Hello,



AFTER several months, ngayon ko lang ulit tiningnan yung profile mo, August 31 pala mula nung huli kang mag-update. Yung naka-tag ka sa pictures ng friend mo.

Hanggang ngayon naninibago pa rin ako sa hitsura mo. Ang lusog mo na ngayon, hindi na tulad noon na payat. Yung buhok mo, kumulot na siya talaga, dati di pa halatang kulot ka eh.

Iba na. Ibang iba ka na nga. I mean iba na yung mukha mo ngayon sa mukhang nasa alaala ko. Yung mukha mo nung huli tayong nagkita, sa kanto ng Bucandala, pasakay na ako nun ng tricycle kasi nga papunta akong TUP nun, tapos ikaw sasakay ka na rin sana pauwi sa inyo, kaso naisipan mo pang bumili ng fishball. Yung moment na yun na nagpaalam tayo, nakangiti sa isa’t-isa, yung di ko alam na yun na pala yung huling beses na makikita kita, yun na pala. Yung batang-batang mukha mong yun ang nasa isipan ko pa rin ngayon. Ngayon. Sa paglipas ng mga taon. Syempre magmamature na talaga ikaw. Pero nung nakita ko nga ulit yung bago mong picture, sabi ko nun, ikaw nga ba talaga yun? Bat ganon?

Talaga ngang lumilipas yung panahon. Yung taong kasama mo noon sa loob ng maraming taon, pag matagal mo nang hindi nakikita, tapos ii-stalk mo sa facebook, maninibago ka talaga.

*Flashbacks on my mind again.*

Nga pala, may balak ka pa bang bumalik dito sa Cavite? o diyan ka na lang sa Aklan habambuhay? Kaya siguro matagal ka na ring hindi nakakapag-facebook. Kailan mo ba balak umuwi dito?

Ganun din pala. Kahit pala bumalik ka rito, hindi rin pala tayo magkikita. Hinding-hindi ka na magpapakita pa sa akin. Sayang naman.

Magkakaroon pa kaya tayo ng part 2? Paano kung tapos na nga talaga yung kwento, bakit ba naasa pa rin ako na may kasunod pa?

Hello
(image source)

Hello, it’s me
I was wondering if after all these years you’d like to meet
To go over everything
They say that time’s supposed to heal ya, but I ain’t done much healing

Hello, can you hear me?
I’m in California dreaming about who we used to be
When we were younger and free
I’ve forgotten how it felt before the world fell at our feet

There’s such a difference between us
And a million miles

Hello from the other side
I must’ve called a thousand times
To tell you I’m sorry for everything that I’ve done
But when I call you never seem to be home

Hello from the outside
At least I can say that I’ve tried
To tell you I’m sorry for breaking your heart
But it don’t matter, it clearly doesn’t tear you apart
Anymore

Hello, how are you?
It’s so typical of me to talk about myself, I’m sorry
I hope that you’re well
Did you ever make it out of that town where nothing ever happened?

It’s no secret that the both of us
Are running out of time

So hello from the other side
I must’ve called a thousand times
To tell you I’m sorry for everything that I’ve done
But when I call you never seem to be home

——————–

PS: Wala lang. Trip ko lang ilagay itong kanta ni Adele. Kanina pa ako LSS dito eh. Di naman siya ganun karelate sa post ko. Pero kasi feel na feel ko tong pagfflashback ng utak ko habang tumutugtog yung hello eh. Ganun talaga. Mema lang. K.

PSS: Two days after ko tong ipost, ibinalik mo nanaman yung dati mong profile picture, yung wide shot. Nagpalit ka rin ng pangalan. Yung totoo, nabasa mo ba to? Haha

πŸ™‡πŸ™‡πŸ™‡πŸ™‡πŸ™‡

6 thoughts on “Hello,

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.