The Sembreak Pila-serye (October 26-31 Journal)

SEMBREAK. Ito dapat yung panahon na nasa bahay lang ako, nakahiga, pa wifi wifi lang, tapos kakain pag gutom. Kaso iba ang ganap ko ngayong linggo eh.

Isang linggo lang ang sembreak namin. :(( ang iksi po, ano? Hindi pa sapat yung ganoong kaiksing panahon ng pamamahinga, lalo na at fresh from the stress pa ako dahil sa finals. Pero wala eh. Tapos yung sembreak week na yun nagdusa pa ako ng matindi!

Monday (26). Consultation of grades. Akala ko makakauwi na agad ako ng tanghali. Kaso di pala. May ipinagawa pa kasi sa amin si Ninong Tetsu. Lahat ng gamit niya sa auditorium, ipinaayos sa amin tapos ipinabitbit papunta dun sa bahay nila. Wooh haggardo versoza ako dun ah! Puro clearbook ng mga estudyante niya kaya dala namin! Kumain at nagpahinga lang kami saglit sa balerr nila, tapos umuwi na rin kami. Pagod na eh. Haha.

Tuesday (27). General cleaning sa bahay. Ngayon ko lang ulit inayos sa taas namin. Yung mga damit ko na ilang linggo nang nakasampay ngayon ko lang natupi ng maayos, haha! Tapos nagwalis sa labas, naglinis ng kusina, cr, at marami pang iba.

Wednesday (28). Malapit na pala ang deadline ng tubig at kuryente!! So umaga pa lang, nagpunta na agad ako sa phase 6 at sa bayad center para magbayad. Pero grabehan din! Ang daming tao! Eto na yung umpisa ng matinding pagpilang daranasin ko. Tapos ang layo pa ng nilakad ko from one place to another. Pero keber lang, hehe. Dalawang oras ang lumipas bago ako nakauwi sa amin.

Thursday (29). Pumunta naman ako sa SSS. Nung isang buwan kasi may nagpadala ng sulat dito samin, tungkol sa pension ko. Ngayon ko lang finollow up! Haha. So ayun na nga , pagpunta ko dun, ang daming tao! Pang number 98 ako, eh yung nasa queue nasa 56 pa lang! Inabot ako ng dalawang oras sa paghihintay bago ako natawag! Nung una nga wala pang bakanteng upuan, kaya nakatayo muna ako ng medyo matagal-tagal. Pero ayun nakaupo din naman, saglit nga lang -_- Sabi nung nandun, na suspend daw yung pension ko, di daw kasi ako nagfollow up nung ACOP nung April, eh sabi ko nung July po pumunta na kami ni Ate Vky dun para asikasuhin yun, ahh. Meron lang hindi nacheckan dun sa form na naipasa namin, kaya siguro akala niya hindi kami nakapunta dun..

Friday (30). Kukunin ko na sana yung grades ko ngayong araw. Kaso matindi rin yung pilahan sa school! Jusko! Eh marami pa kasi ang hindi nakabayad dun sa ELMS licensing fee (P250.00) kaya mahaba yung pila sa cashier. Maski ako hindi pa nga nakakabayad dun hanggang ngayon. Wala eh. Di daw makukuha yung grades pag hindi nagbayad nun. Ginawang mandatory ang bayaran, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa aming mga mag-aaral kung saan nga ba napupunta yung binabayaran naming yun. Pag nakita nyo yung sandamakmak na rants na nakapaskil dun sa facebook group ng school namin, ah naku! Yung iba talaga dun hugot na hugot mula sa ilalim ang sama ng loob eh. Talaga nga bang ibinubulsa ng mga nasa administrasyon ang perang ibinabayad naming mga mag-aaral? Ginagamit nga ba nila iyon para sa kanilang pagpapakasarap sa buhay, pagbabakasyon sa ibat-ibang bansa, at kung anu-ano pa? Pera-perahan na lang ba sa aming paaralan? Pero sinabi naman sa amin ni Maam Anna (The Dean) na yung mga nagrereklamo, dapat humaharap mismo sa kanila, hindi yung puro post lang sa facebook. Tama nga naman, hindi ba? Para rin mapaliwanagan sila ng maayos at masagot yung mga hinaing nila. Hindi naman maganda na sa facebook na lang din sasagutin yung reklamo nila. Maganda talaga na magharap-harap sa personal! πŸ˜€

O after nga nung magbayad sa cashier, mahaba pa rin yung pila para makuha yung mismong grades, sa comlab. Tapos ay kailangan pang humingi ulit ng bagong assessment form sa kanila, kasi nga bago na. Tapos after nun diretso na sa pilahan naman para sa enrollment, which is mahaba-haba din! Dahil nga sa November 2 ay umpisa na ng second semester, madalian din pati sa pag-eenrol! Kaya dagsaan ng ganung karami na mga estudyante. Pipila ka ng mahaba ng mga apat na beses bago ka matapos sa pakay mo. Kaya ako, di muna ako sumabay, magpapalate enroll na lang ako, haha. Atsaka kung tutuusin wala pa rin akong pera nun pang enroll eh. Hahahaha! Pero yung mga kaklase ko na nauna na, umaga sila pumila, tapos hapon na sila natapos! Grabe nu.

So ako nun, pumunta lang ng school kasi kinausap na rin kami ni Maam Anna about dun sa kaso ni wence (this is a very complicated thinc) pero basta, may isyu akong kinasasangkutan. At hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako about dito. That feeling when someone’s suffering maybe because of me. Maybe.

Pagkatapos sa school ay diretso na sa sementeryo, para makapaglinis na rin ng nitso nila mommy. Alam mo yung feeling na, utang-uta nako dun sa mga kabataan na nag-aalok ng ‘Ate pintura po, lettering po’ kasi ba naman, kada minuto may mag-aalok sa akin nun, kita nang ako na yung naglilinis ng puntod diba? Tapos paulit-ulit pa akong aalukin. Nakita nyo ba? E di sana kung kailangan ko ng tagalinis, sana nung umpisa pa lang tinawag ko na kayo diba? Di ko nga sabi kayo kailangan. Ang kukulit nyo. Alam kong kailangan na kailangan nyo talaga ng pera, pero pag sinabi kong hindi ako magpapalinis, hindi nga!!!!! Lol.

Saturday (31). Last day of registration. Dahil hindi pa ako nakakapagparehistro, kailangan ko nang asikasuhin yun ngayon! Malamang. Eto na yung tamang panahon oh! Okay. So bago dumating ang araw na ito ay maraming factors ang pumipigil sa akin para makapagparehistro. Sabi nila, ‘malayo ang munisipyo dito, baka maligaw ka.’ ‘Paano ka makakapagparehistro eh wala ka ngang school ID.’ ‘Magpaparehistro ka? Bakit ano naman ang mapapala mo sa pagboto?’ Pero you know me, right. Walang makakapigil sakin! Eto na, madaling-araw pa lang bumiyahe na ako papuntang munisipyo. Ine expect ko na matindi ang pagdadaanan ko bago makarating dun, kasi malayo talaga ang munisipyo. Hindi naman sa rural na rural itong lugar namin kaya malayo, mahirap ipaliwanag, basta. Kung taga-Cavite ka magegets mo ako. Munisipyo ng General Trias ang pupuntahan ko. Pero yung subdivision namin nakatayo sa lugar sa pagitan ng Imus at DasmariΓ±as, pero sakop pa rin ng Gentri, gets? Hindi. Ok. nga pala, may satellite office naman sila, pero mas malayo pa sa munisipyo yun!

Hindi naman ako naligaw sa pagpunta ko dun, na siyang inaalala ng matindi ni Ate Vky. Ang dali lang pala pumunta dun! Pramis! Marami ka nga lang sasakyan na sasakyan bago ka makarating. Pero keri naman. Sa labas pa lang, napakahaba na ng pila! Sa may 4th floor ang comelec office, pero hanggang baba at labas ang pila! 8AM sila magbubukas, pero blockbuster na ang pilahan! So naghintay muna kami magbukas. Yung unang pinilahan ko para sa number pa lang yun, na inabot na ng dalawang oras bago makakuha ng number! Yung unang bigayan kasi hindi umabot sa akin, ang number ay hanggang 750. Sa pangalawang bigay, ayun nabigyan nako. 530 yung nakuha kong number. Di ko talaga sigurado kung sa 1 talaga yung umpisa ng number system eh. Pero kung ganun, e di pang 1,280 ako sa pila? Grabe naman.

Tanghali na nung makarating ako sa 4th floor. Pila yun, i mean mula sa 4th floor, pababa sa hagdan hanggang ground floor, hanggang sa labas ng munisipyo, pila yun. Pila talaga. Matinding tayuan ang inabot ko dun. Pag nangangalay nako, naupo nako sa semento. 12:30 nung makakuha ako ng application form. Pagkatapos fill-up-an, pumila ulit ako para pumirma dun sa log book (na hindi ko pa rin alam kung ano ang purpose) again, hirap pa ring makaupo nun. Hindi pa ako kumakain ng pananghalian. Mag-aalas tres y media naman ng makapirma ako sa logbook. Tapos ay pumila nanaman ako para sa biometrics. Alas-singko na ng hapon ng matapos akong magpa-biometrics. Yes. Ganun katagal. Nagretouch muna ako ng konti bago ako mapicturan nung comelec officer. Hehe. Ang chubby ko dun sa picture! :p Nung mga panahon na nakapila ako, wala akong ibang magawa. Soundtrip lang, nood ng concert videos ni Bruno, laro laro ng Smash the School, kaso naubusan na ako ng gagawin sa cellphone ko, di pa rin nausad yung pila! Susme. Sa pila marami akong nakasalamuha, may mga kabataan na ang lakas maka-OOTD nun, eh mukha mo lang naman, thumbmark at signature ang kailangan ng Comelec! Tapos may magjowa sa likod ko na ubod ng pagkasweet! Yung isa umalis para bilhan ng pagkain yung jowa niya. Buti pa siya, ako hindi makaalis, baka di na ako pabalikin sa pila eh. Ayun sila busog, ako gutom. Tapos yung babae, di ko alam kung anong trip niya, pero parang gusto niya akong unahan sa pila! Yung sa tuwing uusad na kami, mas nauuna pa siya sa pwesto ko kesa sakin, yun lang nakakaimbiyerna dun eh! Di rin mawawala yung sumisingit sa mga kakilala/tropa nila na nasa pila. Nang-aano ka eh. VIP eh. Pisti. Pero ang the best dito, yung lalaking nasa harap ko. Ayun usap kami konti. Pareho kaming first time voter, parang magkasing edad lang kami. Parang bet ko siya. HAHAHAHAHA kemeeeee!

After nun, dumaan ako sa katabing simbahan, lam nyo na πŸ˜‰ then bumili din ako ng bracelet na may imahe ni Mama Mary, ang ganda eh, kulay puti. Bumili na rin ako nung paborito kong tinapay, tapos naglakad muli hanggang dun sa sakayan pa-SM Pala-pala, meron na palang sakayan diretso dun! Sabi ko yes! Gala muna bago juwi. Eh naalala ko na may laro pala sila Micko ngayon, sabi ko makakahabol pa akong manood, eh di ang ginawa ko umikot na lang ako, from Gentri to SM to bayan. Kaso pagdating ko ng Dasmaville, Zumba yung naabutan ko sa court, hindi Volleyball 😦 anoo di nanaman tuloy yung laro? Sayang yun ah, sana nag SM na lang muna ako. Hihi. wala akong balita kung natuloy ba yung laro nila o ano. Nalowbatt na rin kasi ako nun eh. (Talaga ba? Masakit na mga paa ko pero G na G pa rin gumala? Hahaha)

Summary ng kwentong ito: Ang laki ng inilaan kong oras para sa pagpila imbes na sa pamamahinga πŸ™‚ Kasalanan ko rin, ngayon ko lang inasikaso yung mga bagay na dapat nung umpisa pa lang ginawa ko na eh. Pero kasi kitang-kita naman kung gaano kabagal ang sistema. Sa mga lugar na pinilahan ko, iisa ang pagkakapare-pareho nila, bakit kasi iisa lang ang pila para sa ganito? sa ganun karaming volume na tao, isa lang ang nagseserbisyo. Bakit ayaw nyo ng dalawa? Tatlo? Bakit kailangan isa lang talaga? diba?

———–
Mas matindi pa pala ito kesa sa pila rant ko noon. O siya siya, tapusin ko na to. Wala akong maisesegwey na hugot lines. eh. hihi ~

PS: dapat may pasok na ako ngayon. Pero next week pa ako magpapa-enroll :p

🙇🙇🙇🙇🙇

Advertisements

9 Replies to “The Sembreak Pila-serye (October 26-31 Journal)”

          1. ha ha…HRM ang tinapos ko. Medyo maswerte kami pagdating sa pila (sa lagay na iyon) kasi mas maayos sa department namin at may schedule ang enrollment ng bawat section per year, eh 4 sections lang naman per year sa course namin eh. So madali enrollment process sa building namin pero nadadali kami ng pila pag bayaran na sa main campus ha ha…kasi iisa lang ang cashier ng buong PUP so halo-halo lahat – nung time ko to

            Nako sobrang dami ng estudyante don grabe…..yun ang tunay na Pila serye ha ha ha

            Liked by 1 person

            1. Hanggang ngayon iisa pa rin? Naku naku samin pa nga lang po sa STI, 2000+ na students inaabot pa ng ilang araw yung mahabang pilahan para sa enrollment, pano pa kaya sa PUP na super laki at dami ng mga students πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

              Like

              1. Yung totoo hindi ko alam kung ganun pa rin hanggang ngayon kasi hindi pa ako nakakabalik. Isa pa, wala sa mga kapatid at pinasan ko ang nagkainteres mag-aral doon kaya wala akong balita.

                Siguro naman at sana ay mas hitech na ngayon ang proses…

                Uy bakit mahaba pila sa STI. Diba dapat hitech kayo? he he

                Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s