Paranoia

KANI-KANINA lang, habang nasa tapat ako ng bahay nila ate marisa (kapitbahay namin), may nangyari saking di inaasahan..

Habang nag-uusap kami, bigla na lang nanlabo yung paningin ko, halos wala na akong makita. Tapos yung mga sinasabi ni ate, naririnig ko siya, pero wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Tapos, bigla na lang nanginig yung kamay ko. Hanggang sa nabitawan ko tong phone na hawak hawak ko. Di ko na namamalayan kung anong nangyayari sakin nun. Parang gusto ko na lang matulog nung time na yun. Basta yung feeling ng para kang lasing na lasing na, ganun. Napansin niya na parang di nako kumikibo, pinauwi nako ni ate marisa. Habang naglalakad ako pauwi samin, wala pa rin ako sa sarili ko. Hanggang sa makarating ako ng bahay, naupo ako. At narinig ko ang isang tunog na nakakabingi, yung tunog na naririnig mo palagi kapag sobrang tahimik ng paligid. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng tunog yun. Ganun. Sobrang lakas niya kanina, maa malakas pa sa volume ng tv namin. Di ko alam kung saan galing, nakatulala lang ako. Tapos biglang sumama yung tiyan ko. Para akong nasusuka…

Ano ba tong naranasan ko kanina? First time ko lang naexperience yun. Ano yun? Wala talaga akong alam. Pero naisip ko, yun ba yung feeling pag mawawalan ka ng malay? Di ko pa kasi nararanasang mahimatay eh. Baka meron sa inyong may alam/nakaranas na rin nung naranasan ko. Paki-explain naman po sa akin. Pls.

Natatakot ako. Natatakot ako sa bagay na hindi ko alam. Parang ayaw ko pang matulog, baka di nako magising. Baka mamaya niyan kamuntik-muntik na akong masapian (halloween pa naman, haha). O baka naman sintomas na yun ng malalang sakit. Diyos ko po.

Pero ngayon ok na po ako, ang pakiramdam ko ngayon ay inaantok na lang ako πŸ™‚

(Naalala ko yung kuwento sakin noon ni Mama Lola. Si mommy, bigla na lang natumba noon. Nahimatay. Pagkatapos isinugod siya sa ospital. Ilang araw siyang na-confine dun. Lalo pang bumaba yung potassium level niya. Na-ICU siya. Hanggang sa nawala na nga siya. Hanggang ngayon di pa rin malinaw sa akin kung bakit nagkaganun si mommy. Na-paranoid nanaman ako. Paano kung ako rin? Magkaganun? Takot ako.)

(Hiwalay na kwento: naalala nyo yung na-feature sa KMJS si Chef Hasset Go? Yung tatlo silang magkakapatid na nagkaroon ng cancer? Oo iba to, pero kasi, namatay din ng maaga dahil sa sakit yung mga magulang ko, si daddy nagka-lung cancer kahit di siya smoker. paano kung namana ko rin pala yun? Paano na me? :(((((

_____________________

PS: dahil sa pagkalaglag ng phone ko ay nagkaroon ng maliliit na butas yung screen protector ko. Nagkaroon na ng damage yung cp ko. Shet. Baka masira na itong cellphone ko. Wala pa namang magandang phone na tumatagal sakin, hanggang 6 months lang 😦 ayoko nang mawalan pa ng cellphone ulit. Pls lang. Eto na lang ang nagsasalba sakin sa mga hagupit ng buhay eh. Eto na lang yung source of happiness ko bukod kay crush. Ganun ako ka-possessive sa phone ko. Parang jowa -_-

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s