Huwag muna.



HUWAG muna. Kahit na isang mahigit isang taon na tayong magkakilala, hindi ko pa rin nakikita ang buong pagkatao mo. Sa totoo lang, natatakot akong umasa nanaman at masaktan,Β pasensya na.
Huwag muna tayong mangako sa isa’t-isa, kasi baka bukas iba na. Biglang magbago ang lahat. Baka bigla ring maglaho ang pangakong iyon.
Pero totoo, gusto talaga kita πŸ™‚
Huwag mo muna akong tanungin, wala pa akong maisasagot sayo. Di ko alam, basta ang alam ko masaya ako sa kung anong meron tayo ngayon. Kuntento na’ko dun.
Huwag muna, ganito muna tayo ngayon. Kasi once na magcommit tayo sa isa’t isa, baka mauwi lang din sa paalam ang lahat. Masasaktan lang din ako, at ikaw.
Di ko alam kung bakit kailangan ganito, pareho lang naman yun.
Pero sa mga oras na to, ang gusto ko ay palagi ka lang sa tabi ko.
Huwag ka munang ngumiti sakin. Lalo akong kinikilig sayo. Pero nangangamba rin ako na yung mga ngiting yun ay mapalitan ng luha balang araw.
Huwag muna natin ikulong ang mga sarili natin sa salitang ‘relasyon’. Magiging masama lang sa’tin yun. Sa una lang magiging masaya, walang pangamba. Pero sa huli, magiging obligasyon, pagsubok at pagkakamali na lang ang lahat.
Araw araw nangangamba ako. Isa kang ‘pressure’ para sa’kin. Pero sa gabing ito, gusto kong manatili ka lang.
Huwag ka munang umasa masyado sakin. Kahit ako ayokong mawala ka.
Pero bago pa ito lumalim, bago pa masaktan, wag ka masyadong magtiwala.

Huwag muna tayong ma-inlove sa isat isa πŸ™‚

okay tinagalog ko lang yung kanta ng Bigbang, with pa-deep thoughts

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.