TAPOS na ang finals. Pero yung hanash ko patuloy pa rin. About nanaman to sa school. Pero mababaw lang naman. Haha.
Eh pano, kasi, ngayon ngang natapos na yung theater play namin, Ipinakita na samin yung final result. Yay. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Nung una pa lang, bago pa lang mag umpisa ang proyektong ito, nangangamba ako na mangyari to, which is nangyari na nga.
Yung feeling na, iba-iba yung “level of effort exerted” sa theater na yan, tapos ganun. Oo inaamin ko ang dami ko ring naging pagkukulang dun. Tinamad akong magsulat ng script nung prelim, kaya nag-adapt kami ng kwentong hindi naman talaga namin naiintindihan. Tinamad akong asikasuhin yung iba pa naming gagamitin sa technical, tulad ng lights at projector. Tinamad akong magdownload ng scandal video. Tinamad akong gumawa ng teaser. May mga araw na hindi ako nakakapunta ng rehearsals. May mga araw na late na akong nakakapunta ng rehearsals. Pero naman, halos buong pagkatao ko inialay ko na sa theater na yan. Marami akong bagay na pinabayaan na dahil dyan. Hindi ko na sinusunod sila kuya, ilang buwan ko nang hindi kinakausap yung bespren ko, naubos na lahat ng inipon ko, hindi na ako nakapagpasa ng mga requirements sa iba ko pang subjects. Walang araw na hindi ko pinag iisipan kung paano magiging successful ang play namin. Sabihin nating 80% ang commitment ko. Director ako pero meron pang ibang mas mataas ang commitment level kesa sakin. Iba iba kami ng percentage/level of commitment namin. Pero bakit ganun. Bakit pare-pareho nanaman kami ng grades? Di ito dahil sa nataasan nanaman ako ng iba. Beyond perfection nga yung binigay na final grade samin eh. Pero kasi, hindi lahat deserve yung ganung grade. Oo ako mismo sa sarili ko, hindi ko deserve yung ganung grade. Nakakapanlumo lang kasi, paulit-ulit na lang itong nangyayari, lalong lalo na sa mga group projects! Ang tendency kasi neto, hayahay forevs na lang yung iba. Baka ako rin next sem, magchill chill na lang ako. Ganun din naman eh, mag effort man ng bonggang bongga or not, iisang grade lang ang makukuha namin. Diba? Next sem talaga, di nako magbida bida, leader leaderan. Ayoko na talagang humawak ng responsibilidad. Yang film na yan? Mag aartista na lang ako. Magaling naman akong umarte eh. HAHAHAHA LOOOOOL
Pero di ako galit. Ipinagpapasalamat ko nga, muntik-muntikan nanaman akong maging Dean’s Lister. π π nanlulumo lang ako. Tinatamad nakong um-achieve ng mataas na grade! Suko na me XD
Kasalanan talaga to ng paaralan eh. Kung nung umpisa pa lang buong buo ang suporta nyo sa mga proyekto ng ABCOMM. eh di sana buong buo rin yung commitment naming lahat. Yung isa dyan, naturingang ABCOMM graduate pa naman. Pero nasaan siya? Binigyan ba niya kami ng konting payo para sa mga proyekto namin? Umaaksyon ba siya sa mga kulang na equipments ng ABCOMM? Nasaan ka nung kailangan na kailangan namin? Wala. Di ka namin ramdam. Nag-aala-tourism stude ka pa nga eh. Kung saan saan nagpupupunta. Parang di ka talaga ABCOMM. naku. (Aktibista na talaga ako neto) pero walang saysay yung mga pinagsasasabi ko rito. I studied ABCOMM at a ‘computer school’, should i expect the best education? Yung video and photo editing. Yung basic lang na paggamit ng mga radio/tv equipments. Sa outside environment ko nga lang yan natutunan. Hindi naman naituro yan sa loob ng paaralan. At hanggang ngayon hindi pa rin ako marunong gumamit ng camera (lalo na DSLR) nahihiya ako. ABCOMM nga ako. Matalino ako. Pero yung DSLR di ko alam kung paano gamitin. Nakakahiya talaga diba.
———-
RANTS PART TWO: (di na to konek sa school. Pero nakakainis to. Haha)
Pag mali yung ginagawa ko, napapansin. Pag kulang naman yung nagawa ko, pagagalitan ako. Pero yung mga nagawa ko para sa ikauunlad ng ekonomiya natin. Na-appreciate mo ba? Ha? Ano? Si keme. Maganda lang siya. Puro paganda lang yata siya. Pero bakit siya bukambibig mo lagi? Humaling na humaling ka sa kanya? Mas magaling naman ako sa kanya ah. Mas marami akong kayang gawin kesa sa kanya. Well, maganda nga kasi siya. (Haha pinipersonal ko na tong rant na to ah! Walang makakapigil sakin. Dito lang ako makakapaglabas ng poot. Lol) kinulang lang ako sa ganda. Wala eh. #UglyProblems
Wag na wag ka na talagang humingi ng pabor sakin. Pinahihirapan mo ako. Pareho talaga kayo ni JD, pisti. Kaya kong buhayin ang sarili ko pagdating ng araw. Di kita kailangan. Lol lol
Di ah π okay naman si Jess eh π buti nga siya, kahit maganda siya, malaki pa rin ang naiaambag niya sa lipunan. Yung iba naku naku maganda nga keme naman! Haha!
LikeLike
Ahhh akala ko si jessa hahahahaha. Lol
LikeLiked by 1 person
Pero di si jess yung tinutukoy ko sa pangalawa ha. Taga tourism yun. Beastmode ako dun eh puro paganda lang!! Lol
LikeLike
Haha π di lang kay tetsu, sa ibang teacher din ganun din! π€π€π€
LikeLike
Si sir tetsu ba yan? Hahahahaha! Saka hayaan mo na si jess. Ganon talaga yon. Hahahahaha!
LikeLike