10.10 | Una β™‘


Once in a while
You are in my mind
I think about the days that we had
And I dream that these would all come back to me
If only you knew every moment in time
Nothing goes on in my heart
Just like your memories
How I want here to be with you
Once more

Once in awhile
Your are in my dreams
I can feel the warmth of your embrace
And I pray that it will all come back to me
If only you knew every moment in time
Nothing goes on in my heart
Just like your memories
And how I want here to be with you
Once more

You are always gonna be the one
And you should know
How I wish I could have never let you go
Come into my life again
Oh, don’t say no
You are always gonna be the one in my life
So true, I believe I can never find
Somebody like you
My first love

IKUKUWENTO ko pa ba? Halos buong blog ko si JD na ang laman. Umay na ba? JK. Syempre di ako nagsawang ipangalandakan sa lahat yung first and only love ko. Yay. Di pa kasi nakakamoveon eh. Ayan.

So here it goes. Naging kaklase ko siya taong 2009. Second year high school. Hindi ko siya napapansin nung una. Ang dami kaya namin nun! Nagkaroon lang kami ng interaction nung magkaroon kami ng debate sa Araling Panlipunan. (Fave subject!) Ano ang mas pinaniniwalaan mo, ang bibliya o ang siyensiya? Nahati ang klase sa dalawang grupo. Pero nung debate na, kaming dalawa lang ni JD ang nagbabatuhan! Sa bible siya, sa science ako. Ayokong magpatalo. Ayaw niyang magpatalo. Natapos ang 45 min class namin ng di pa natatapos ang patutsadahan namin. Bitin. Pagkatapos nun, dun na nag umpisa yung kompetisyon between the two of us. Every quizes, pataasan kami ng score. Every subject, pataasan kami ng grade. Dati napakatamad kong magpasa ng mga project, pero simula nung kinalaban ko siya, palagi na akong nagpapasa. On time. Piniperfect ko yung mga exam ko na dati iniiwan ko lang na blanko pag di ko matandaan ang sagot. Pati sa extra currixular activities napasali ako ng wala sa plano. Para lang mataasan siya.

Nag-umpisa lang kaming maging close nung minsang nakita ko siya nung uwian. Iisang ruta lang pala ang dinadaanan namin, which is pa-dasma. Since nung mga panahong yun ay pahirapan ang pagsakay ng jeep pauwi (kaya alas-otso na ako sumasakay ng jeep. Tumatambay muna ako sa may hintayan) niyaya niya ako na maglakad pa malagasang. Nung una umayaw ako, kasi magpapakahirap pa ako maglakad, pwede namang maghintay na lang ng jeep. Eh sabi niya mas mabilis daw akong makakauwi kung maglalakad ako. Eh di game, sabay kaming naglakad. Dun kami nagkakuwentuhan ng malalim, dun ko siya nakilala ng higit pa. Nakarating kami ng greengate. Dun na ako sumakay ng jeep, siya naman naglakad na hanggang sa kanila, sa silvertown. Nung araw na yun, 7:30 pa lang nasa bahay nako. Mas mabilis nga! First time ko lang naranasan na maglakad ng ganun. Medyo nakakapagod nga lang.

Simula nun, sabay na kaming umuwi palagi. bati na kami. Tropa na kami. Haha. Akala ko nga matalino ang mokong na yun, magaling lang pala siyang kumuda. Nakopya pa rin yun sakin! First grading: top10 ako. Pang 11 siya. Ako ang nanalo sa aming dalawa πŸ˜‰

Di ko alam kung kailan ko siya naging crush. Basta isang araw, bigla na lang akong kinikilig sa kanya. Pag may keme kami sa room. Pag sabay kaming umuwi (ang pinaka da best dito, pag naglalakad kami pauwi, kumakanta kami ng kahit ano, haha!) Pag kinakantyawan na kami ng mga kaklase ko. Kinikilig ako! Pisti. Every activities/projects, kami ang magkapartner. Sa ballroom dancing. Sa reporting. Sa math problem solving πŸ™‚ sa lahat. Di naman siya napalag eh. Okay, dun na lumalim yun.

Hanggang sa nagthird year na kami. Di na kami magkaklase. Section C siya. Section D ako. Mas mataas yung grades niya sakin. Mas magaling siyang dumiskarte eh. Pero kung di ko siya tinutulungan nun, siguro magkaklase pa rin kami πŸ˜₯ pero kahit ganun, palagi pa rin kaming nagkikita. Bago pumasok sa kanya kanyang room. Tuwing recess. Sabay pa rin umuwi. Ganun kami hanggang fourth year. May mga panahon lang na di talaga kami nagpapansinan. Di naman kami nag away. Pero dahil busy kami sa sarisarili naming buhay, di na kami nag uusap. Pag nagkakasalubong, isnoban lang. Haha! Pero dumarating naman yung time na bumabalik ulit kami sa dati.

Grumadweyt kami ng high school. Dun na natapos ang ugnayan naming dalawa. Wala. Isang araw di na siya nagtext sa akin. Tinetext ko siya noon, pero di na nagrereply. Di ko alam kung anong nangyari. Di kami nag away. Basta. Nawala lang siya bigla. Pinupuntahan ko siya sa bahay nila, sa school. Pero di ako nagpapakita sa kanya. Hanggang silip lang ako. Kasi baka isipin niya napakadesperada ko naman. Paano nga kung nilayuan niya na talaga ako, tapos magpapakita pa ako. Ang panget naman nun. Kung ayaw niya na talaga, e di wag.

Naging kami ba? Nope. Never. Hindi niya ako type. Aware naman siya na second year pa lang kami, mahal ko na siya. Wala lang siyang pake.

Eh bakit hanggang 4thyr may ugnayan pa rin kami? Kung di niya pala ako gusto? Kasi, kailangan niya ako. Pag may assignment siya, pag kulang allowance niya, pag bored siya. Kailangan niya ako. Ako ang nilalapitan niya. Kaya nga nawala lang siya nung paggraduate namin diba? Kasi. Di niya nako kailangan pa.

Eh bakit siya pa? Kung ganun naman pala ugali niya? Di ko alam. Hanggang ngayon nahiwagaan pa rin ako kung paano ko siya natiis sa loob ng tatlong taon. Di siya gwapo. Di siya matalino. Di siya mayaman. Di siya talented unlike Bruno Mars. Lalong di siya mabuting lalaki. Basta ang alam ko, masaya ako sa kanya. Sa kanya lang ako nakakaramdam ng kaligayahan πŸ™‚

Bakit di pa rin ako nakakamoveon? Kasi nga, sa kanya lang ako naging pinakamasaya. After niya nagkaroon pa ako ng mga crush. Mas better, mas deserving kung tutuusin. pero wala pa ring tatalo sa kanya eh. First love eh. Wala nang papantay pa sa kanya. Joke lang. Meron pala. Pero siya lang talaga. Siya lang yung gusto ko πŸ™‚

image

Dagdag ko lang. Lalo akong nagkacrush sa kanya nung panahon ng kasikatan ng BOF. nung una talaga wala akong hilig sa mga korean chenes, hanggang sa isinaggest niya sakin na manood daw ako ng BOF. Paborito niya raw itong palabas. E di pinanood ko. Hanggang sa naging favorite ko na rin. Feeling ko kasi relate na relate ako sa love story nung mga bida dun eh. From enemies turned to friends then lovers. Hiniling ko na sana mangyari din sa aming dalawa yung nangyari sa BOF. tapos nun napansin ko din na lumi-Lee Min Ho si kras, kaya umpisa nun tinawag ko na siyang Gu Jun Pyo!! Tapos ako naman nun uma-aurang Jan Di, Β yun ang callsign namin nun. Naging sikat ang tambalan namin sa mga star section. Dahil sa BOF na yan. Ang jejemon ko talaga nun. Ikinakahiya ko na ngayon na nagfeeling Jandi ako noon. Oo..

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.