Kalahating Dekada with Bruno

HAPPY BIRTHDAY babe! πŸ™‚ this post is dedicated to you, by how things were started five years ago πŸ™‚

beb
(image source)

Kailan ka naging fan?
Nung sumikat ang Nothin’ on You, naging sobrang paborito ko yung kanta, Pero di ko pa pinapansin nun si Bruno. Hindi naman from the very start gusto ko na siya eh, syempre may proseso yun. Then Billionaire came, which was my fave too (kabisado ko rap verse nung dalawa hahaha). Nung kasagsagan ng kasikatan ng JTWYA ko lang siya narecognize, kasi bukod sa magaling siyang mag drums at mag gitara, magaling din siya sa piano! Na amaze ako. Bihira lang yung singer na ganun ah! Until Grenade came, eto yung mga panahon na durug na durog ang puso ko sa crush ko nun, sobrang relate feels ako sa kanta niya. Then sa The Lazy Song naman nadiscover ko yung dancing skills at funny side niya. Astigin tong taong to ah, multi-talented! Tapos sinundan ko na ang buhay niya (twitter), at nagandahan ako sa iba pa niyang kanta (Count on me, Marry You, Today my life begins, Talking to the moon). Eto na siguro yung time na masasabi kong FAN na niya ako. Yun na nga, dito ko na nadiscover na siya ang sumusulat ng mga kanta niya, kanta para sa iba pang mang aawit, kasama ng iba pang songwriters at smeezingtons (search google for this term aye). Pinakinggan ko din yung mga demo at unreleased songs niya. Ang gaganda kaya! Try mo rin pakinggan πŸ™‚ Then nagtuloy tuloy na siya, Lighters, Mirrors, It Will Rain, hanggang sa sophomore album niya, here I am!
Attracted ako sa mga ganung klaseng tao, Super Talented. Kaya bet ko talaga siya β™‘β™‘

Ang pinakamasayang bahagi na siguro ng buhay ko bilang isang fangirl ay:
Moonshine Jungle Tour. Kahit kasinglaki ka lang nung langgam nung nakita kita sa personal ay okay lang. Kasabay ng iyong pag awit ng live sa harap namin, tapos napapasabay pa kami sa bawat kanta mo. Ay sarap! Oo kanta ng kanta at sayaw ng sayaw ako nun hahahaha
Superbowl Halftime Show. Iniyakan ko to! Haha! Di ko alam eh. Kasi nung araw na yun, halos buong mundo nakita kung gaano ka kagaling. Nung moment na yun ipinangalandakan ko sa lahat na, o eto yung taong iniidolo ko. Ganyan siya kagaling magperform. #ProudFanHere

FAVORITE BRUNO MARS SONG:
Pag tinatanong nila ako, anong paborito mo? Actually mahirap mamili kasi lahat ng kanta niya, gusto ko! (Pramis as in wala akong di bet), kaya depende. Ngayon eto yung fave ko, tapos bukas iba na naman, tapos kinabukasan iba na naman ulit.
Sa ngayon, heto ang mga pinakagusto ko:
1. Moonshine – waaaa as in gustung-gustong marinig to ng tenga ko, para siyang drugs, feeling ko ang ganda at sexy ko pag pinakikinggan ko to hahahaha (sensual ang lyrics lol). Michael Jackson vibes in this song.
2. Lost – demo song, ibinenta niya sa Menudo (Latin band?) yung kanta, at pinopularized nila. Actually eto ang unang-unang Bruno Mars song na narinig ko ha! Kasi 2008 o 2009 siguro yun, naririnig ko na to dati sa radyo, bet ko siya pero hindi ko alam kung ano ang title (di pa uso magsearch sa google ng lyrics nun), nung naging fan na ako dun ko lang nalaman na, hala! Si Bruno pala nagsulat nun!
3. The Other Side – gagamitin sana tong soundtrack sa Twilight. Pero ewan ko kung anong nangyari hahaha!
4. Treasure – pag naririnig ko to, nagbu-boost in an instant yung mood ko, this is my happy pill!
5. Rest of my Life – unreleased din. Ito ang magiging soundtrack sa kasal ko hihi
6. If I Knew – maiksi lang to pero sobrang dami kong feels dito, aaaaaah.
7. Talking to the moon – bet ko sa lahat ng sad songs niya.
8. Click clack away – one of his unreleased songs.
9. When I was your man – *sad reacts only*
10. Gorilla – woooooooh yeeeeeaaah!

Marami pa akong gustong ikwento about BM eh. Pero saka na ulit. Basta masaya ako, limang taon na akong fan hahahaha

Back to the present. Trenta ka na. Eto yung edad na dapat mag-asawa ka na. Lahat ng kapatid mo may anak na, ikaw kelan mo balak? Haha Labyu.

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s