SA BUONG buhay ko di pa sumagi sa isip ko na tapusin ang sarili kong buhay.. uu, kahit na ganito kasaklap ang buhay ko di ko man lang naisip yun. Paano kasi, imagine ko pa lang na mamatay ako, maiisip ko na ui, gagastos ang pamilya ko sa pampalibing ko. Tapos ngayon ang laki laki na ng nagagastos nila sa pampaaral ko sa kolehiyo tapos sasayangin ko lang kasi waley nako. Nahiya naman ako. Mamamatay na lang ako pagdudusahin ko pa yung mga maiiwan ko, di ba.
But there are times na i question my existence in this world like: Bakit kaya nabubuhay pa rin ako? Wala na akong mga magulang na siyang magmamahal sa akin ng tunay, pinagkaitan pa ako ng kayamanan at kagandahan. Di ko pa rin alam kung ano ba talaga ang purpose ko. Kasi sa labingsiyam na taon na pamumuhay ko rito sa mundo ay sa tingin ko wala pa rin akong nagagawang makabuluhan. Wala akong napapasayang tao. Wala akong natutulungang tao. Wala pang taong nagbago ng dahil sa akin. Diba. Minsan din naiisip ko na kapag kaya namatay ako, iilan kaya ang iiyak? Baka wala pang sampu. Wala. Pag nawala ako parang papel lang ako na nabasa. Nalulusaw. Nawawala.
Pero yun nga, ayoko pang mamatay! Huhu marami pa akong mga pangarap sa buhay. Sana man lang maranasan ko ang maginhawang buhay, sana maranasan ko rin yung mahalin ako pabalik ng taong gusto ko! Char! Tsaka sana maging kapaki-pakinabang muna ako sa earth bago ako mamatay nu.
Oo takot akong mamatay. Kasi ba naman sa loob ng sampung taon, apat na sunod sunod na miyembro ng pamilya namin ang wala na. Una si Daddy (1998), sunod si Mommy (2004), si Papa (or Lolo, 2006), at si Mama Lola (2009). Naisip ko, ano sino pa ba ang susunod? Ayoko nang may mawala. Kahit ganito ang sitwasyon namin ngayon, ayoko na silang mawala pa sa akin. Pls lang. Ayoko ding mamatay ng maaga. Ayokong maranasan din ng anak ko na mamuhay bilang isang ulila. Ang hirap, pramis.
Talaga ba? Ang hanash natin tonight ay “Thoughts about ending your own life” tapos napunta na sa Fear of Death! Nakow. Eh kasi, advice na rin to para sa mga taong akala nila wala na silang ibang option kundi tapusin ang sarili nilang buhay: hoy ikaw, mas malalim pa ang pinagdaraanan ko kesa sayo, pero di ko naisip yang mga ganyang bagay, kasi alam ko tomorrow is another day! Malay mo bukas masolusyonan na ang mga problema mo. Wag kang sumuko! Laban lang sa buhay! Kapit lang sa Diyos! π