Talaga ba?

KAGABI pa lang, abangers na ang taong bayan kung magpapasusped ng klase si Gov. Napakalakas kasi ng ulan since yesterday. Nag-aalala ako. Photoshoot pa naman namin sa RTV. Paano pag nagsuspend nga? E di hindi tuloy ang shooting.

Eto na nga, nagsuspend na. E di wala na kaming pasok. Chat agad ako sa mga kaklase ko at kay ninong kung ano na. Sabi ni ninong, tuloy yung photoshoot! Siyet. Pano to. Alam kong hindi ako makalalabas ng bahay neto. Gustuhin ko mang magpaalam, kotang kota na talaga ako kay kuya. Wala na, E di yun nagpaalam ako na di ako makakapunta. Okay na nung umpisa eh, tapos narealize ko na sa akin pala yung tela na gagamitin sa costume ng babae. Siyet ulit. Kailangan pa naman nila to ngayon, anong gagawin ko? Tinatawagan na pala ako ni ninong, di ko alam. Tapos nagtext siya, sabi niya dalhin ko raw yung mga gamit sa school ngayon. Akala ko naman yung mga gamit na nandun kina kuya henry, e di yun nireply ko. Tapos tumawag siya, parang beastmode na siya nun. Sabi niya yung tela dalhin ko na talaga sa school! Nataranta ako. Nagpaalam ako kay ate grace, sabi ko saglit lang ako. Tinanong niya ako bakit daw ako pupunta ng school, eh wala na ngang pasok? Di nako masyadong nag explain. Buti na lang tulog na si kuya, kung hindi, nako may sermon version4.0 pa ako mula sa kanya. Ayun tumakas lang ako papunta ng school.

Habang nasa tricycle ako, nasstress yung utak ko. Naiisip ko, galit na silang lahat sakin! Pag nalaman ni kuya na lumabas ako, patay ako pag-uwi ko! Di ko alam kung anong pwede niyang gawin sakin. Tapos kagabi sinabi niya na, “EH KUNG TUMIGIL KA NA LANG ULIT? NANG MAPIRMI KA RITO SA BAHAY.” Tapos naiisip ko pa yung sinabi ni ninong kanina na: “KUNG AYAW MONG MAGPHOTOSHOOT. EH DI WAG, YUNG TELA DALHIN MO DITO. DI KA NAMIN KAILANGAN DITO. ANG KAILANGAN NAMIN, YUNG TELA.” tapos baka yung mga kaklase ko beastmode na talaga sakin. Ilang araw na akong nagpapasaway sa kanila eh. Palagi akong late. Di ko ginagawa yung mga responsinilidad ko sa paaralan. Ngayong araw di nanaman ako makakatulong sa RTV. Di ako makakapagphotoshoot. Ano na mangyayari sa akin neto. Feeling ko I was really broke at that moment. Ayun, napaiyak ako. Nakakahiya humahagulgol talaga ako ng iyak kanina. Buti na lang mag-isa lang ako sa loob ng tricycle. Pero nung dumaan pa ako sa bahay nila kuya henry sa parklane, tengene umiiyak pa rin ako nun. Yung lalaking katabi ko nun na-awkward talaga sakin kanina. Nung pagdating ko sa bahay nila, ang tagal lumabas ng kapatid niya. Naiyak pa rin ako, sinubukan kong buksan yung gate nila. Sakto lumabas si ate! Nakakahiya!! Isipin niya nilolooban ko na yung bahay nila. Kinuha ko yung costume. Tapos pumunta nako sa school. Siguro tumigil lang ako ng pag-iyak nung nasa San Jose nako. Tapos pagdating ko dun, siyet. Halata palang umiyak ako. Ang pula-pula ng mata ko kanina, para akong may conjunctivitis. Naiintriga sila kung anung nangyari sakin. Matipid naman ang sagot ko. Nakakahiya naman kasi na sabihin ko yung dahilan nung pag-iinarte ko. Ang babaw lang naman. Nakakahiya talaga na umiyak ako kanina. Sorry. ANG BABAW TALAGA.

Tapos nung pagpunta ko dun, ayun okay naman. Di naman pala sila beastmode sakin. Sinadya lang pala ni ninong na magtaray para mapapunta ako sa school. Nakakahiya ulit kasi wala naman akong gaanong naitulong sa kanila. Nakaupo lang ako dun. Pinapanood ko lang sila na mga abala sa kani-kanilang mga gawain.

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s