Plastik lvl. 999

ALAS-DOSE na ng madaling araw. Tulog na sana ako eh, kaso eto gising pa ako. Nagpost kasi ako ng status ko kanina sa facebook. Nalaman niya tuloy na online ako. Eh di yun, chinat na ako. Alam ko kung ano nanaman ang pag-uusapan natin. Yung buhay mo, na paulit ulit mo na lang na ikinukuwento. Gabi-gabi naman tayong nagkikita, bakit kailangan mo pa akong ichat? May time naman para sabihin mo sakin yan lahat. Eto nga eh, nakwento mo na sakin in person, ikukuwento mo pa ulit sa chat? Yung totoo? Tapos may mga bahagi ng buhay mo na nag-aalangan ako. Totoo ba talaga yung mga sinasabi mo? Bakit parang hirap akong paniwalaan yung iba? Maraming tao na ang nagsisinungaling sakin. Kaya alam ko kung ano yung pinagkaiba ng katotohanan sa keme lang. Sana nga mali yung instinct ko, sana nga totoong nangyayari sayo yan. Kasi kung hindi talaga? Aba! Mas magaling ka pang playwright kesa sakin! E di sana ikaw na nagplaywright ng teatro namin! Konti na lang sana problema ko ngayon. Jk. Marami nang nagsabi sa akin na talented ka talaga pagdating sa paggawa ng kwento. Pero di ko pinansin nung una, kasi bakit naman kailangan mo pang gawin yun? Kung sa akin mo lang ikukuwento yun, ano ang pakinabang nun sayo? Wala diba? Pero kung totoo ngang keme ka lang, ano nga? Ano mapapala mo dyan? May mga bagay talaga na nakikita ko sa teleserye, na nararanasan mo pala sa totoong buhay? Ayos yan! Tapos may mga bagay na hindi naman ako kasangkot (wapakels ako) so siguro naman hindi mo na dapat pa ikwento sakin diba. Lahat na lang kinukuwento! Pati hobby ng kapitbahay nyo kinuwento mo na! Yung totoo teh? Pati nalang mga selfie mo kailangan ipakita at izoom in mo pa sa akin ng isa-isa! Nakakapagod kayang pumuri, pag paulit ulit na lang. Tapos madalas pa pag nagkukuwento ka buhat ka ng sarili mong bangko. PPSS. (Puring-puri sa sarili) pupuriin naman kita eh. Maghintay ka naman. Hindi yung umpisa pa lang puri na agad sa sarili mo. Nakakaloka. tapos palagi mo na lang sinasabi na magpapaalam ka na. Aalis ka na. E bat ngayon nandito ka pa rin? Lol

Pero alam mo ba kahit ganyan ka, hindi kita sini-seenzoned. Nirereplyan pa rin kita kahit alam kong puro nonsense lang ang sasabihin mo. Alam mo kung bakit? Itinuring mo na akong kaibigan. Ayoko naman na layuan ka dahil lang dyan sa ugali mo. konti na nga lang kaibigan ko, tapos ia-unfriend pa kita. Ang panget nun.

Realization: ang plastik ng tingin ko sa sarili ko. Ang bait ko pa rin sa kanya kahit na nabi-beastmode nako sa kanya. Ang plastik diba? Lol sorry ganito ako. Sorry.

Tapos na yung blog post ko. Pero di pa rin tayo tapos magchat. May bagong topic ka nanaman. Enebeh.

May pasok pa ako ng alas-otso bukas. Apat na oras na lang tuloy ang tulog ko. Tapos bukas gigiyerahin nanaman ako dahil sa theater na yan. Good luck talaga sakin. #PuyatPaMore!

Advertisements

2 Replies to “Plastik lvl. 999”

  1. Mas malala pala yan sa kaibigan ko xD haaaaay ang hirap talagang pakitunguhan ng matino yung mga ganung klaseng tao. Kaya talaga di ko maiwasang maging plastik eh. πŸ˜…πŸ˜…

    Like

  2. Lels… natawa ako ng madame dito, mga hahahahhahahahhahaha…. parang yung isang kilala ko lang na pag nagmemessage sakin, walang ibang laman kundi either pictures ng kung anong kinakain nya sa kasalukuyan o kung pano nya iniiputan sa ulo yung boyfriend nyang napakabait (na wala naman talaga akong pakialam pero nagpapayo ako, mema lang)… sana hindi nya mabasa tong aking comment kasi hahahhahahahahha talaga.

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s