Nostalgia // the Last

BIRTHDAY ng bff ko na si michi. Niyaya niya ako, kasama ng mga kaklase niya, na dati kong mga kaklase din, sa isang salu-salo. Akala ko isang simpleng selebrasyon lang ito. Hindi pala. Well eto yung first time yata na nagsalu-salo kami sa birthday niya (naalala ko nung 2012, ang celebration nun ay overnight sa bahay nila, e di naman ako pwede nun) and then the following years, napakapayak lamang ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan. May dahilan pala kung bakit ganun. Sa birthday celebration na ito lang kami muling nagkasama ng mas matagal ni michi. Mga dalawang oras na rin. Dito ko na lang din muling nakasalo yung mga taong minsang naging bahagi ng buhay ko sa kolehiyo. At eto na lang din ulit yung araw na nagkasama-sama silang lahat. Matagal tagal na rin mula nung huli silang kumain ng sama-sama sa labas.

Nung mga oras na yun, nakaka-nostalgic talaga; yung parang bumalik ulit ako sa dating ako: yung tahimik. Yung mga panahong wala pa akong ipinaglalaban sa buhay, yung mga panahong di pa uso ang ‘beastmode’, yung mg panahong di pa ako bida-bida sa klase. Nakakamiss. Yun yung panahong di ako masyadong nasstress sa school. Yung di pa nakadepende sa akin yung mga kaklase ko. Nakakamiss yung ganun ka-payak na buhay. Pero ngayon, ibang iba na. Iba na sila ngayon. Iba na rin ako ngayon.

Tulad din pala kami nila, minsan hindi nagkakasundo-sundo. Minsan nagtatalo sila dahil sa mga prinsipyong ipinaglalaban nila. Pero kahit na ganun, sa huli, nananaig pa rin ang pagkakaisa πŸ™‚

Naisip ko din, huling taon na nila sa kolehiyo. Baka ito na rin yung huling pagkakataon na magkabonding sila as a whole sa birthday niya. Ito na rin siguro yung huling birthday na makakasama ko si michi. Ewan ko. Feeling ko pag-graduate niya baka hindi na kami magkita pa ulit. Ngayon pa nga lang na nasa iisang campus lang kami, bihira na kami magkita, pag-alis niya pa kaya? 😦 kanina, saglit lang kaming nagkasama. Gusto ko sana magkasama kami ng mas matagal ngayong araw. Kaso hindi kaya.

Michi, happy birthday ulit. Di na kita mabigyan ng mahahabang letters, na alam kong gustung gusto mo. Ang konti lang ng sinabi ko sayo kanina, nahihiya nanaman ako. Pero eto talaga ang gusto kong sabihin: sorry, kasi hindi ko magampanan yung role ko bilang bestfriend mo. Noon, pag may pinagdadaanan ka, ako ang unang nakakaalam. Pero ngayon, pag may mga ganap sa buhay mo, ako na ang huling nakakaalam. Wala eh. Iisang mundo lang ang ginagalawan natin, pero bakit pakiramdam ko ang layo na ng daigdig nating dalawa? Di na tayo tulad nang dati. Iba na tayo ngayon. Madalas talaga namimiss kita. Di lang halata. Mukha lang akong masaya kasi yun may tropa ako. Pero talaga namimiss ko rin yung tayong dalawa, you and me + the world. Lol.

Basta, tandaan mo: Salamat! Naging malaking bahagi ka ng buhay ko. Thank you for everything. Salamat talaga friend.

Pero, di ko muna ipapabasa to sayo friend, saka na, sa tamang panahon. Sana maappreciate mo to at yung kumot na bunny πŸ™‚ hihi

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s