SA MGA oras na ito, di ko makalma ang utak ko. Ang dami kong inaalala. Ayoko pa namang makaramdam ng ganito. Pero bat ganun :”
– Bukas at sa sabado, may rehearsals kami. Wala nanaman ako sa bahay maghapon. Beastmode nanaman sakin si Kuya. Huhuhu π₯ sabi niya kanina nung nakita niyang may bitbit akong pintura, “nag-uwi ka nanaman ng basura?”
– Dahil nga may rehearsals bukas, magco-complain nanaman yung mga kaklase ko na, ano na, asan na yung ganito, ganun, nagawa mo na ba? Direk, nagagawa mo ba yung trabaho mo? Magpapa overpower ka nanaman? Tapos pag may sinabi akong ganito ang daming nagsa-side comment. Ang daming kumokontra. Tapos pag sinunod ko naman yung gusto nila, sasabihin nagpapaoverpower. Naisip ko rin na umabsent na lang kaya ako bukas? Para rin di nako gaano pagalitan ni kuya. Para makaiwas ako sa poproblemahin sa theater na yan. Pero may maririnig nanaman ako na, “Yay, director ka pa naman. Tas may excuses ka rin? Ang babaw ng dahilan mo.” Di ko mameet yung mga demands nila. Di ko magawa yung mga bagay na nagawa ko na dahil sa kakaisip kung paano ko maitatawid tong production na to. Yung ibang project pa sa ibang subjects, di uusad kung di ako ang magmamaneho. Di rin ako makakilos nang hindi humihingi ng instructions mula sa kanila.
– Dahil rin sa rehearsals na yan, nagagastos ko na yung pangtuition ko next sem. Di pa naman ganun kalaki yung nabawas ko, pero men! Walang-wala nako. Kailangan bago mag November maibalik ko ang perang kinuha ko. Kung hindi patay ako. Yung allowance ko sa mga susunod na linggo, hanggang October 23 naka-budget na. Walang-wala na talagang matitira sakin. Ibabayad ko lahat. Wala nakong pera. Naiistress ako. Paano ko matutustusan ang sarili ko. Alam ko may mga kailangan pa akong pagkagastusan sa susunod na mga araw. Paano na to? Bugaw na? Lol.
– Tapos kanina, nalaman ko na yung kinahantungan ng isa naming kamag-aral. Nakokonsensya ako sa sinapit niya. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako kung bakit siya nagkaganun. Base sa mga nangyari samin nung nakaraan, parang kinawawa ko yata siya. Di ko lang matandaan ang mga eksaktong pangyayari. Pero ganun. Napapaisip ako, babalik pa kaya siya sa dati? Paano kung hindi na? Isa ako sa dahilan kung bakit nagbago ang takbo ng buhay niya, negatively. Tapos paano kung ipahamak niya ang sarili niya? Pag nangyari yun, habambuhay akong uusigin ng konsensya ko nito. Ang basic lang ng buhay ko, tapos may macocommit akong ganun. Intense.
– ngayon ngayon lang. May dumapo na lamok sa akin. Naparanoid ako. Paano kung Aedes Aegypti pala ang specie nito? Paano kung nakagat na pala ako nang hindi ko namamalayan? Paano pag nagka dengue ako? Paano pag bumaba ang platelet count ko. Maoospital ako. Malaki ang babayaran. Di ko na matatapos ang mga project ko. Babagsak ako ng finals. Hatak lahat ng grades ko sa lahat ng subjects. Paano kung naubos na yung pera? Wala nang ipangtutustos sa pag-aaral ko next sem. Isang taon nanaman akong maghihintay para makapasok ulit. Mas lalong matatagalan bago ako maka graduate. Yung tipong internship ko na sa march, tapos mauudlot pa. And the worst, paano kung hindi ako maka survive sa dengue? Masasayang lahat ng pinaghirapan sakin nila Ate Vky. AYOKO PANG MAMATAY WAAAAA. Paranoid na nga diba.
YA FEEL ME? XD