Stardust

PUMUNTA kaming dalawa ni Angel sa bahay nila kanina para kunin yung iba naming props sa theater play. Ang random lang ng pinag-uusapan namin. Lovelife niya. Lovelife ko. Kahit wala naman akong lovelife. Charing.

Naikwento ko sa kanya si JD. Oo. Kung nabasa mo yung post ko na “August 07”, malamang sasabihin nyo na kinain ko na lahat ng sinabi ko dun. Haha.

Kasi sabi ko dun nakamoveon nako sa kanya, pero sinabi ko kay Angel na hindi pa ako nagbboyfriend, dahil sa kanya. (Pero naisip isip ko rin parang magkaibang bagay yata yun?)

Konti lang kinwento ko sa kanya. Konti na lang naaalala ko tungkol saming dalawa eh. Halos nakalimutan ko na din yun dahil sa pagiging abala ko sa school, lalo na sa teatro.

Sabi nga ni Angel, pinapamukha na niya sakin na tine-taken for granted niya lang ako. I knew that from the very beginning. But i chose not to go away. I know it will never cause something good on me, but i feel so high when im with him before! and i chose to love that feeling! Wooo english pa more. Mali naman. Parang pagmamahal ko sayo. Mali, pero pinu-push ko pa rin. #Banat nanaman!

Then sinabi sakin ni Angel, baka nakamoveon na talaga ako sa kanya. Na-stardust na lang ako. Tama ba xD
Ano yung stardust?
Di ka inlove dun sa tao. Inlove ka sa memories nyong dalawa.

Naisip ko na rin yan noon. Medyo hirap ako mag explain. Pero basta, naisip ko na di ko na gusto yung ‘siya’ ngayon. Yung bet ko yung siya noon, nung magkasama pa kami. Iba na siya ngayon eh. Ang chaka na niya. Joke lang.

Di ko na alam kung paano tatapusin itong post ko. Basta yun na yun.

PS: ang landi ko talaga. Sorry. XD

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s