TANTYA KO:
– 10 mins akong pumila sa munisipyo.
– 15 mins akong pumila sa bangko.
– 50 mins akong pumila sa cashier sa school.
– 25 mins akong pumila sa terminal ng tricycle.
Ilang oras ba ang kailangan nating hintayin para makarating tayo sa pupuntahan natin?
Gaano ba dapat katagal pumila para makuha natin ang goals natin?
Pagkatapos ba nating maghintay eh may mapapala ba tayo sa huli?
O pagkatapos nito ay umaasa lang pala sa wala?
Bakit nga ba tayo naghihintay?
Bakit kailangan pa nating pumila?
Wala bang mabilisang paraan?
Bakit kahit na may pila eh maraming di sumusunod at sumisingit?
Bakit ganito katagal ang maghintay sa pila?
Bakit kailangan maranasan ko ang lahat ng ito?
Paano tayo makakausad sa pila ng mabilis?
Paano ba pahabain ang pasensya sa pagpila?
Hanggang saan ba ang pasensya mo?
Hanggang kailan ka willing maghintay?
Magbabago pa ba ito?
“Im so sick of falling in line.” Same lang as,
“Im so sick of falling in love.” Nakakapagod pumila at maghintay. Nakakaubos ng pasensya.
One thought on “Waiting .. ..”