Cellphone = Life



ISANG malaking blessing para sa akin ang pagdating ng Samsung Galaxy J1 sa buhay ko πŸ™‚ as in, kasi talaga first time ko lang magkaroon ng android phone, ng smart phone! Pero bago natin kilalanin ang bago kong phone ay balikan muna natin ang kasaysayan ng mga cellphone sa buhay ko:

March 2012 – pag-uwi ni Ate Vky galing Syria, binigyan niya ako ng kauna-unahan kong cellphone! Cherry Mobile D10 ata yun? Basta. Yun ang graduation gift niya sakin. Alam nyo ang saya saya ko nung time na yun, kasi sa wakas, may sarili na akong phone. Dati naiinggit ako sa mga kaklase ko nun, buti pa sila may cp, pantawag, pantext, etc., ako wala pa nun. Pero buti na lang meron nako! Wooooh! Pwede ko nang mai-text si JD. Pwede na kami mag-usap kahit di nagkikita at di naka-facebook. Shet ansaya talaga XD palagi kaming magkatext nun. Yung mga bagay na di namin napag-uusapan pag personal, tulad ng mga lovelife, nao-open up at nata-topic namin sa text! I remember the first time he asked me, “Nagka-bf ka na ba?” Like seriously, we knew each other for three years now, tapos ngayon mo lang ako tatanungin niyan? Pero syempre pa-chix pa ang pagsagot ko sa mga text niya. Sandamakmak na smileys =) yan ganyan. I remember the midnight calls we had, kahit di ako ganun na madaldal eh nangyari yun na magkausap kami buong magdamag, about sa buhay niya, buhay ko. Tapos nagkakantahan pa kami thru call! *sorry naikwento ko nanaman mga kalandian ko noon.*
– nawala ang kauna-unahan kong cellphone nung October 2012, sa may kadiwa. Walangya, hawak hawak ko na nga yung bag ko nung naglalakad kami dun, nasalisihan pa! Iyak iyak pa ako kay Yul nun nung nawala yun. Haha! Pinahiram muna sakin ni Ate Vky yung luma niyang phone para may masalpakan ako ng sim. Kaso yung phone na yun pa-retire na eh! Pinagtiyagaan ko na lang 😦

October 2013 – nang mabilhan ako ng pangalawang phone! Yes! Touch screen na! Tapos may Internet na! Kaso di pa siya android phone. Pero sakto lang keri lang naman. Nang mapasakin to eh mas lalo akong naging fangirl, naging twitter netizen, naging Tumblr blogger, at kung anu-ano pang anik sa Social Media. At nakatulong sa akin ang phone na ito upang mabawasan ang lungkot na nararamdaman ko, kasi di ba tumigil ako ng pag-aaral nung panahon na ito?
– di nga nawala. Pero nabasag naman ang screen nung phone ko 😦 March 2014. Araw ng concert ni Bruno Mars dito sa Pilipinas, sa di pa rin malamang dahilan ay nakita ko na lamang na basag ang phone ko! Umiiyak ako nun, bukod sa di ko na nakita si Bruno, wala na ulit akong phone! 😦 balik ulit ako dun sa pa-retire na phone ni Ate Vky. Tapos pati pinaglumaang cp ni Don Hae ginamit ko na din.

July 2015 – nang makuha ko na itong smartphone ko! Yeaaa! Eto na yun, mas lalo akong naging updated sa Social Media, yung dati na once in a lifetime lang ako makapagbukas ng facebook, ngayon araw-araw na! Tapos sa wakas makakapag-Instagram na din ako! Wooh! Mapapanood/mapapakinggan ko na rin yung mga paborito kong kanta, Makakapaglaro na din ako ng Clash of Clans, at marami pang iba πŸ™‚
– sana naman tumagal na sakin to di ba. Nakakaiyak pag mawala pa to sakin, nakupooo. Ayoko na ulit manakawan ng buhay. Huhuhu.

ANO ANG SILBI NG PHONE MO SA BUHAY MO? marami eh. Eto:
– yun nga, updated ako sa Social Media
– nakakapaglaro ako ng games palagi
– may alarm clock na akong matino
– instant handout kasi pwede ma-view dito yung mga slides/handouts namin sa school
– mas madalas na akong makakapag-blog
– natututo na akong mag-aral ng piano
– nakakagawa ako ng word, excel, powerpoint at iba pa dito.
– makakapag-selfie nako, kasi maganda camera features neto eh!
– makakapag-record din ako ng audio at video dito πŸ™‚
– ok lang kahit di nako magload, chat ko na lang sila/chikka messenger na haha
– makakapakinig nako ng mga kantang gusto ko, anytime! Mga kanta ni Bruno, tapos makakapanood agad ako ng mga latest MVs.
– di ko na kailangan magdala ng dictionary sa school, kasi may dictionary app/translator app nako
– makakapag-karaoke nako haha!
– makakapagbasa nako ng mas maraming ebook. πŸ™‚
– mapag-aaralan ko na din ang basics ng photoshop/vegas. Haha.

Negative side of having a phone:
Dahil nga marami akong magagawa sa phone ko, halos buong araw hawak ko na to, di ko binibitawan. Dahil dyan,
– mas tinamad nako kumilos XD
– di ko na ginagawa yung mga gawain ko. Kaya nagagalit si kuya eh
– di ko na kinakausap ang sinuman sa bahay/school XD. Oo yung introvert na nga ako tapos isinarado ko pa yung sarili ko sa pakikipag-socialize sa iba. Hahaha.

May dalawang bagay akong sasabihin, bilang panghuli:
– palagi kong hawak ang phone ko, so kung feeling mo iniisnab kita dahil matagal/hindi ako magreply sayo, well, tama ka XD
– palagi kong hawak ang phone ko, so once na makausap/makakwentuhan mo ako na di ko hawak yung phone ko, well, you must be something special XD ibig sabihin mas mahalaga sakin na kausap kita kesa sa matutukan ko yung sa laro ko XD lol

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.