Stressout? Nakakastress din.

GOOD GIRLS ARE BAD GIRLS THAT HAVEN’T BEEN CAUGHT.”

Hero
(image source)

May ginagawa akong karumal-dumal. Sa loob ng isang buwan ay pang-apat na beses ko na to. Ang tindi diba. Nung una nung July 24, tapos August 7, tapos August 15. At panghuli yung kagabi. August 20. Tanging iilang kaklase ko lang ang nakakaalam ng bagay na to. Maski mga bestfriends ko di ko sinasabihan. Pag nalaman to ng mga tao, magbabago yung perception nila sakin. Hulaan nyo kung ano. Keme lang. Nabanggit ko na to sa mga nakaraang posts ko eh. Lam mo na? Di pa rin? Ganito…

Kaninang umaga lang ako umuwi. Galing kila Kuya Henry. Di nanaman ako nagpaalam kila kuya. Beastmode sila matik na. Alam mo ang dahilan?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
UMINOM KAMI. OO. NG EMPI. HAHA. di lang halata sa mukha ko na nainom. Haha. Pero oo na yun na.

Last day kasi ng exam kahapon. So nagkayayaan, sa pangunguna ni ninong, na magstress out kila kuya henry. So ayun na nga, inuulit ko, this wasnt the first time. Pero first time kong hindi umuwi ng bahay dahil dun! Oy pero di naman ako uminom talaga as in. Sila yung nainom. Di ako pwede, may conjunctivitis ako eh (search mo kung ano to xD) Nagkakwentuhan lang kami kami hanggang alas tres ng madaling araw. Pero masama pa rin yung ginawa ko, wag nyong gagayahin utang na loob xD

bat ko nga ba nagawa to? dati ang sama ng tingin ko sa mga estudyante na diretso sa inuman. Pero ngayon ganun na ako xD di ko din alam. It just happened. Oo. Ginusto ko to, at di ko pinagsisisihan na ginawa ko to. Masama na ba ako? Lol. Masaya nako makakwentuhan tong mga taong to, kahit nakainom. Minsan walang sense. Pero madalas provoking naman. Ang dami kong nahuhugot mula sa buhay ni ninong. Pag lasing siya ang dami niyang naibabahagi sa buhay eh.

Marami pa akong gustong sabihin. Pero inaantok pa ako. Iedit ko na lang to pag naalala ko na πŸ™‚

PS: THIS WILL NOT BE MY LAST STRESS OUT. REMEMBER THAT. MANGYAYARI ULIT TO XD

—–

AUGUST 28 – NA KILA KUYA HENRY ULIT KAMI. PARA UMINOM — ng kape. Umulit kasi kami ng sulat ng script. Group collab ituuu πŸ™‚

SEPTEMBER 4 – STRESS OUT ulit πŸ™‚

SEPTEMBER 9 – birthday ng pamangkin ni ninong. Inimbitahan niya kami sa bahay nila. Mas lalo naming nakita ang buhay niya. Tapos may karaoke! Ayun sinulit ko ang pagkanta πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… haha sugapa ako lol. Tas syempre nomo muli.

SEPTEMBER 11 – nagyaya nanaman si ninong. Kaso dahil may UP trip ang mga kaklase ko kinabukasan, di na sila sumama. So ang nangyari, tatlo lang kami nila kuya henry – sa winehouse. Sugapa na rin ako sa alak ahh. Lol. Okay lang libre naman eh πŸ™‚ bago umuwi dinaanan pala muna namin si Micko sa McDonalds. First time ko siya nakita na naka-uniform ng mcdo. Haha. Si frank tsaka si Jaja wala pasok eh.

SEPTEMBER 18 – kakatapos lang ng exam. #LamNaDis! S-T-R-E-S-S-O-U-T !

Advertisements

One Reply to “Stressout? Nakakastress din.”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s