July 19 – August 07 (Part 2)

eto na yung mga nangyari nung sumunod na linggo:

25 – Sabado. Natulog lang ako buong araw. Nahihilo ako. Eto ba ang tinatawag nilang ‘hangover’?

26 – Bumili si Ate Vky ng mga gamit sa bahay. Tapos nagsalon kami. Akala ko pagugupitan lang ako ng buhok. Sabi niya magparebond at magpakulay na rin daw ako ng buhok. So ayun. First ko to, so meaning, DI NA VIRGIN YUNG BUHOK KO! haha. Nag iba yung hitsura ko pagkarebond. Nanipis yung buhok ko. Di ako sanay. Tsaka kailangan pala di ka maliligo ng tatlong araw. Hirap na hirap ako nung matapos yung pagrebond sakin. Medyo nagsisi din ako. Mas bet ko yung buhok ko noon eh.

27 – 30 – Schooldays af.

31 – Nagpa swimming party si Ate Vky. So ayun, kasama ng mga dabarkads niya, nagswimming kami ng overnight dyan sa may parklane. Naalala ko nun after school diretso ako ng swimming eh. Haha

August
1 – nagpalinis kami ng ngipin. First ko rin to. Takot ako magpa dentista kasi. Tanggap ko nang ganito na ang ngipin ko. E di yun. Sabi ni ate vky magpa braces na rin ako. Kaso tumanggi ako. Di pa ako handa. Haha. Naiisip ko hitsura ko pag may ganun ako, nahihiya ako. Kakantyawan ako ng mga kaklase ko neto. Sabi ko pag graduate ko na lang. Kaya palinis lang muna. Sabi naman nung dentista,Β  kailangan daw ipa-pasta yung walong ngipin ko na pabulok na. Haha. Di ko pa sinasabi to kahit kanino, nakakahiya talaga. Dito ko lang sa blog ipapaalam yun xD

2 – 4 – walang ganap.

5 – despedida ni Ate Vky. Tatlong linggo lang siya pinagstay dito ng amo niya. Kailangan niya na ulit bumalik sa Dubai. :(( ayun nung gabi maraming bisita dito sa bahay.

6 – Flight ni Ate Vky pabalik. Di ako pumasok ng coms111. Hinatid namin siya pa airport. O kay bilis ng iyong pagdating, pag alis mo’y sadyang kay bilis din. May reporting kami nung araw na to, kasi di ko nasend sa mga kagrupo ko yung ppt. Ayun. 😦

7 – 6TH YEAR ANNIVERSARY NG PAGKAKAHULOG KO. KAY JD. ang balak ko sana nung araw na to, babalik nanaman ako sa lugar kung saan kami nagkatagpo. Sa Bucandala. Pero dahil nagyaya si Mr. Tetsu ng simpleng salo-salo kasama ang mga kaklase ko sa winehouse. Di nako pumunta pa ng Bucandala. Tinulungan kasi naming magcheck nun si sir nung isang araw (keme), so parang payback yun πŸ™‚ dun nako nagcelebrate ng 6th year, kasama nila. Uminom nanaman kami. Haha. Pero di ako nagpakalasing ah. Marami kaming nadiscover about Mr. Tetsu, then nagtatagalog na rin siya nung mga oras na yun. After ng winehouse, kumeme pa kami sa Chichababs tsaka sa Iconz. Nakahabol pa nun si Micko at Jaja na fresh from McDonalds pa πŸ™‚ pinakilala niya kami kay Ms. Con na best friend niya, tsaka yung asst. Niya na hindi ko matandaan ang pangalan. Pero di nga ako lasing nun, ok? Eto ininom namin: San Mig Light. San Mig na Apple. Empilights. Red Horse. Pero konti lang yun, pramis! Umuwi kami bago mag 12. Nakita ko si kuya na nainom din, akala ko mapapagalitan ako xD nang dahil sa friday night out ay nakalimutan ko na august 7 pala ngayon. Kasabay din ng paglimot ng feelings ko para sa kanya. Lol.

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s