I’M TIRED. Napapagod na akong maging mabait. Masama talaga loob ko ngayon. *ilabas ang Empi!* *lol*
Sa paaralan, may mga pagkakataon na ang sarap magwala, pero di ko naman magawa. Kasi e, ako ‘tong effort nang effort, tapos di naman ako nabibigyan ng recognition – not literally an award for every shit that i’ve done, but recognition in a way na sana mas na-appreciate nila yung mga ginagawa ko. Noon pa man, ako na yung nagvo-volunteer to do this & that, yung mga bagay na di nila keribels gawin. Nung una ayos lang sakin yun eh, kasi ako may natututunan akong maganda sa mga pinaggagagawa ko, tsaka noon pinagkakakitaan ko pa yan! Pero nung nagkolehiyo nako, iba na ang siste: ako yung nagpapakahirap mag-isip sa mga ganitong bagay, tapos sa bandang huli, pare-pareho lang ang mga grades namin? Naiistress ako tapos sila hayahay lang tapos ganun lang? Ang mas masaklap pa, sila ang mas kilala at naaalala ng mga teachers, ako easy to forget lang. Mas magaling lang naman sila ng kaunti sa pag-approach ng mga teacher, well that’s not really good for me π¦
Eto pa, this month ay may Mini-Theatre Play kami. Nung una sabi ko, gusto ko umacting, para man lang maranasan ko. Since HS days kasi, lagi nakong nasa production team. Pagdating ng Theater namin sa finals di nako makakaarte, kaya sa tingin ko ito ang magandang pagkakataon para mag-shine ako, kaso kasi π¦ π¦ hindi ako nabigyan ng major break, charot!. Ang babaw ko, sorry. Supposedly, writer din dapat ako sa proyektong ito, but since nagawa na ng classmate ko yung story at script, di ko na alam kung ano ako. Sa ngayon, ang trabaho ko (bukod sa pagiging julalay ng Production Manager) ay ang pagbibitbit ko ng props mula rito sa aming tahanan papuntang paaralan, which is not an easy task to do. Limang kilong karton plus tela lang naman ang dinadala ko, inaakyat ko pa sa Audi (4th floor). Nagagalit na nga sakin si Kuya eh, kababaeng tao ko raw ako ang nagdadala ng lahat nang iyan. Iniisip niya tuloy na ang tatamad talaga ng mga kaklase ko. Nung una dinedepensahan ko pa, sabi ko itong bahay na ang pinakamalapit na pagtataguan, plus wala namang problema sakin eh, kaso nung tumagal na, napag-isip-isip ko din na, “Oo nga bakit nga ba ako ang nagdadala nito?” Pumapasok ako on-time, palagi akong present sa rehearsals, pero bakit ganito? Feeling ko parang alipin ako? Tapos ang inaalala ko pa, kapag dumating na ang bigayan ng grades e mas mababa pa yung grades ko kesa sa kanila, malamang yan kasi sila umarte tapos ako kiyeme lang. E sa totoong buhay mas mahirap yung ginagawa ko π¦ Di ako makapagprotesta, parang OA kasi yung complain ko e, pero kasi ako ang nagdurusa dito eh “You must be willing to take risks.” kahit mahirap, kailangan mong gawin para maging successful iyan! (kahit na wala kang makuhang benefit, keri lang, ang importante masaya ka) masaya nga ba ako sa ginagawa kong ito?Β Hayy. sawa na siguro ako sa ganito, lagi na lang ba ako on-behind? extra? kailan naman kaya ako magiging angat? Siguro, kung marunong lang akong umarte, kung magaling lang akong magleader, kung mas may confidence lang ako, at higit sa lahat, kung mas maganda lang sana ako, baka siguro hindi ako ang magbibitbit nitong mga karton na to! HAHA π π
*may part 3 pa itong mga sama ng loobΒ ko, ngunit dahil kailangan kong pumasok ng maaga bukas, di ko muna maita-type to sa ngayon. Sa susunod na pagkakataon na lang muli.*
PS: mga ABCOMM classmates ko, kung mabasa nyo man ito, pasensya na. Di ko kayang i-open to sa inyo sa personal e π¦
PS ulit: nagtechnical ako sa mismong play. Keri na pala sakin kahit waley akong role. Masaya naman eh π sana lang may justice pagdating sa grades namin π