Introduction to Theatre Arts~

ANG DAMING mga nangyari sa loob ng linggong ito, about sa Theatre. from scratch, we have now the framework for our Production in October πŸ™‚

well, last year pa lang naman eh pinagpaplanuhan na namin kung ano ang gagawin namin pagdating ng Theatre, sabi ko pa nga nun gusto ko mag-director πŸ˜€ haha taas ng ambisyon ko nu then usapan namin first day of third year mag-iipon na kami ng pera para sa pondo (props, gastos, everything else) tapos yung isa kong classmate nagsusulat na din ng script tas nagpaplano ng stage/set design, di halatang atat na atat kami, haha

tapos eto na, nung nakaraang Miyerkules, dahil sa wala nang maituro si Mam Janma sa subject namin eh di sabi niya mag-meeting meeting na daw kami for theatre. Tapos yun! si Angel at ako ang naging Playwright – kami yung susulat ng script para doon. Medyo malungkot lang ako kasi di ko nakuha yung pagiging director hahaha gustung-gusto ko talaga yun eh! tsaka kasi wala talaga akong talent sa scriptwriting, oo magaling ako sa pagsusulat pero iba yung forte ko, non-fiction ang genre ko eh puro essay/balita lang kaya ko, pero yung gagawa ka ng kwento medyo nahihirapan ako dun. Di ako makatanggi, mataas ang kumpiyansa sakin ng mga kamag-aral ko πŸ˜€ πŸ˜€ tsaka realtalk konti lang talaga samin ang may talent sa pagsusulat nu. Tapos ako naman wala akong maisip na maisulat na plot. Sorry 😦

Sa totoo lang ang laki ng panghihinayang ko sa script na isinulat ni Micko e, kasi diba pinaghirapan niya yun tapos di pala mapipili yung sa kanya. Nakikita ko na noon yung gusto niyang mangyari eh – yung ”musical” na genre ng theatre na tungkol sa mga kabataan. Feeling ko maganda talaga yun eh, kaso kasi yung mga classmates ko mas gusto nila yung more mature na theme eh, tsaka realtalk ulit konti lang din ang singers/dancers samin kaya ayun, iba yung plot ng theatre na napagdesisyunan namin sa inaasahan ko.

di ko muna maikukwento kung ano yung plot ng play namin, confidential. bawal pang ipagkalat sa publiko e. Abangan nyo na lang, and at this moment wala pa din akong script na nasusulat, so dapat yun ang inaatupag ko ngayon, pero eto, nagblog na lang ako, tindi ko rin e

and tungkol sa pondo namin, ayun nung monday nag-umpisa na kaming mag-ambagan, tiglilimang piso kada araw, sa ngayon meron nang 600+ pesos na pera sa aming fund. At alam nyo ba na pagdating ng October 4, posibleng umabot sa kulang kulang P20,000 ang halaga ng pondo namin (posible lang, kasi sigurado yung iba di naman magbabayad ng kumpleto yan! yun pang mga yun!) so sigurado pagdating ng Finals hindi na kami mamomroblema sa pera! (lol sana hindi ako maholdap) eh di naman ako ang magtatago ng pera, playwright ako, hindi Treasurer πŸ™‚ πŸ™‚

Wish us good luck! good luck talaga! ang posibleng maging problema lang naman namin eh yung COOPERATION ng buong ABCOMM3.1A, yun lang. Noon pa man, WALO lang kaming naghihirap pagdating sa mga ganyang proyekto. Hindi magiging matagumpay ang production kung ganyan lang kakonti ang kumikilos, kahit anong push namin di kakayanin. Kaya sana lang guys, sana nafi-feel nyo rin yung nafi-feel ko, kung gaano ako ka-desperada na maging successful to. Kasi gusto ko maipagyayabang ko sa kanila (oo sa kanila nga) na di ako basta-basta. Di porque tahimik ako maliit lang ang nagagawa ko. INTROVERTS do have MEGAMINDS din! #hugot #patama na to hahahahahahaha hu u talaga kayo mga hinayupak na nang-api sakin noon πŸ˜€ πŸ™‚ :p

ABANGAN NYO PO, ‘KLARISA’ ANG TITLE NG PLAY NAMIN, IT’LL BE SHOWING ON OCTOBER 2015.

other details coming soon ☺

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s