Maturity unconciously hit me.

” Come back and tell me why

I’m feeling like I’ve missed you all this time, oh, oh, oh.
And meet me there tonight
And let me know that it’s not all in my mind. “

DAHIL maaga ang uwian namin nung isang araw, napagdesisyunan kong bumisita muna sa bahay nila CJ. actually nung araw na yun ang lala ng sipon ko, but I dont care i just want to be with somebody who makes my worries go away for awhile. Huli kaming nagkita nung March 16, kaarawan niya. Hiyang-hiya ako nung araw na yun kasi nakalimutan ko yung birthday niya (dahil sa panlulumo ko sa pagkawala ng flash drive ko with important documents + soft copies ng projects at assignments + 500+songs + edited pictures), inunawa niya naman ako pero frustrated talaga ako sa sarili ko nun eh.

back to the present, nung pagpunta ko sa kanila, andami dami naming pinag-usapan, mostly about high school life, yun lang kasi ang pwede naming pag-usapan e. Di ko kasi gaano makwento sa kanya yung mga pinaggagagawa ko ngayong college years, nahihiya ako e. Ayun, we used to reminisce some old, good memories πŸ™‚

napansin ko lang, panigurado napansin niya rin yun, na nagbago na ang mga likes and interests ko. Pag may mga tinatanong siya sakin na mga bagay-bagay kung yun pa rin ba ang nais ko ngayon, palagi kong sinasabi, “HINDI NA E:(”

dati, ako yung babaeng madaldal na palaging topic ang koreanovelas, ang Math, si JD, atbp. pero ngayon wala na akong interes sa kanila. Di naman sa wala na talaga, di ko lang siguro sila napagtutuunan ng pansin ngayon.

nung nagkakwentuhan kaming dalawa, muli niyang ipinaalala sakin yung litsing happy memories namin ni JD, lalo na nung JS prom, di ko pa pala nakukwento sa kanya kung ano nangyari samin nung araw na yun, like that was happened about 3 years ago pero ngayon ko lang nasabi sa kanya. kainis lang eh nu.

tinanong niya ako, “isinayaw ka ba niya?” sabi ko, “hindi.” mula pa man nung in-announce ng adviser namin yung JS prom na yan pinangarap-ngarap ko na maisayaw niya ako. Nagpapraktis pa ako nun kung pano gawin yung sweet dance sa prom, pero pisti ilang oras akong naghintay na yayain niya ako, di niya ginawa! apat na taon na kaming magkakilala nun, pero yung mga kaklase niya willing niyang isayaw, pisti talaga, di man lang makaramdam. Buti pa si Dimanahan, kahit di kami magkaklase at di rin kami close, niyaya niya akong sumayaw! buti pa si Vallejo naisayaw niya, bakit ako hindi T_T (HALATA BANG BITTER NA BITTER PARIN AKO HANGGANG NGAYON? lol)

pero kinwento ko rin naman kay CJ na pagdating ng madaling-araw, natulog kami ni JD sa upuan, magkatabi kami, tapos sabay kaming dalawa umuwi ng 5:15 A.M. haha kinikilig si CJ! kahit ako kinilig din ako nung moment na magkakwentuhan kami, kasi yun nga parang bumabalik yung ‘sparks’ habang kinukwento ko yun.

ang laking pagsisisi ko talaga na nasambit ko sa kanya ang mga katagang: ” ‘Yani, wag muna tayo magsabay umuwi ngayon, sabay kasi kami ni *James Dean* eh.” Yung mga pangyayari na mas pinili ko yung lalaking yun kesa sa taong nananatili sa tabi ko hanggang ngayon. Tangalang diba xD

karamihan sa pinag-uusapan naming dalawa eh tungkol sa mga kaklase namin noon, kung ano nang buhay ang meron sila, etc. sinadya ko lang talagang i-highlight yung usapan namin about that man, para mahalata nyo talagang bitter pa rin ako xD HAHAHAHAHA natatawa ako sa sarili ko rn. kaya nga nilagyan ko talaga ng fave line ko mula sa kanta eh.

pero ang isa sa mga pinakamagandang napansin ko, pag kinukwento ko sa kanya yung mga ganung klaseng bagay ngayon, tinatawanan ko na lang, dati pag usapang crush/love, nanlulumo pa ako eh, tas pag uuwi ako ng bahay galing sa kanila, maaalala ko siya, tapos iiyak ako. JOKE LANG. maaalala ko lang siya hanggang sa hindi na ako makatulog, ganun lang, di ko iniiyakan yung ganun, lol.

pero diba dapat tungkol kay CJ ang post na ito? ayun, mas masaya sana kung palagi kaming magkikita. oo nagkakatext kami, pero pareho kasi kaming tipid magsalita sa text eh, mas maganda talaga pag personal. di pa kami talaga nakakapag-bonding ng mahabang oras. namimiss ko siya palagi, sana nga palagi siyang nandito e. Siya kasi yung taong tanggap lahat ng flaws ko, kahit marami nakong disappointment na naibigay sa kanya, willing pa rin siyang unawain at intindihin ako. Pag sumusweldo nako, dun ako babawi sa kanya ng bonggang-bongga. Siya naman ang tutulungan ko na magtagumpay sa buhay β™‘β™‘

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s