New Beginnings

PAGKATAPOS ng sampung linggong bakasyon, balik-eskwela na ulit ang mga estudyante. After mong ma-bored ng ganun katagal, magiging makulay na ulit ang bawat araw mo πŸ™‚ πŸ™‚ yay!

Atat na atat akong pumasok pag first day of school, kasi maraming bago. Kahit na lumang uniform, bag, at sapatos pa rin ang gagamitin ko, keri lang. Kahit ballpen at papel pa lang ang gamit na meron ako, ayos lang. The night before the first day, hindi na ako makatulog, excited ako e! Gigising ako ng maaga, kakain ng marami, mag-aayos ng sarili (yung bonggang-bongga!) at aalis ng bahay ng maaga. Sa wakas, ngayon ko na lang ulit malalanghap ang malamig na simoy ng hangin sa madaling-araw. Nung bakasyon kasi 11AM nako bumabangon e! haha.

Then eto na, pagkapasok ng school grounds, diretso agad sa pila para sa flag ceremony. Makikita ko na rin yung mga classmates ko last year, na di ko na kaklase ngayong taon. Iba-iba na section namin. Mag-uumpisa na ang flag ceremony, makikita ko si ‘inspirasyon’ sa may kabilang line, tapos ay mababaling din ang tingin niya sakin, tapos ay magngingitian kaming dalawa πŸ™‚ πŸ™‚ πŸ™‚ β™₯ pagkatapos ng flag ceremony, diretso na sa rooms. Eto na yung sinasabi kong bago – bagong room, bagong classmates, bagong teachers, bagong subjects, bagong books. Eto ang bagong simula, eto ang panahon para makabawi tayo sa mga pagkukulang natin nung nakaraang taon.

Nami-miss ko na ang ganitong pakiramdam. Iba na kasi pag nasa kolehiyo e, bukod sa palagi akong nale-late sa pag-eenroll, ang first day sa college ay di na ganun kasing-excite di tulad nung elementary at high school days

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s