IRITANG-IRITA nako sa mga fandom na ito. Ayokong magbanggit ng pangalan, pero ito yung mga fandom na nakikita mo lagi sa trending list ng Twitter Philippines (lamna!) Alam nyo ba kung bakit?
– Unang-una sa lahat, nagpapatrending sila ng mga walang kakwenta-kwentang hashtags, like: #SiGanitongArtistaaymaytaping, #SiGanitongArtistaayguestsanoontimeshow #SiGanitongArtistaaymaymallshowsamaguindanao, #SiGanitongArtistaaynagpostngselfie #SiGanitongArtistaayendorserngkatol. Parang lahat na ng mga ginagawa ng idol nyo e kailangan pang i-hashtag at ipatrending sa twitter. Naaalala ko pa yung mga unang taon ko sa twitter world na kung saan di pa uso ang magpatrending. RIP. Well kung sa inyong mga fangirls e malaking bagay yan, pwes sa ibang netizen na katulad ko, aba wapakels kami dyan!
– Ikalawa, nagpapatrending din sila ng mga malalaswang salita. Nakakatuwa para sa inyo, pero ang pangit talaga sa paningin, lalo na’t alam ng karamihan na ang fanbase nyo ay binubuo ng mga kabataang babae na nasa edad 10 – 15 taong gulang. Ang pangit talaga diba? Alam ba ng mga magulang nyo ang pinaggagagawa nyo?
– Ikatlo, ang hilig nyong mang-away ng ibang artista/fanbase. May nasabi lang na maliit na bagay about sa idol nyo, gegyerahin agad, grabe na kayo kung makapanglait. Napantayan lang ng ibang artist yung level ng kasikatan ng idol nyo, kinaiinisan nyo na. Grabehan kayo kung makapangbash sa iba, eh wapakels din naman ang mga idol nyo sa mga away nyong yan.
– At eto, ang pinakamatindi, yung kinukupara nyo yang idol nyo sa international celebrities, like, san ba kayo humuhugot ng kapal ng mukha? Talampakan nga lang yata ng celebrity yan idol nyo e. Aba matinde!
Ang pangit lang kasi, dahil nasa social media tayo, nakikita ng mga taga-ibang bansa yang mga gawain nyo. Tas sasabihin nila, ay ganyan pala ang mga Filo Fangirls. Ikinahihiya ko talaga kayo. Pasensya na.
Fangirl din naman ako. 14 taong gulang pa lamang ako e may sinusundan nakong celebrity. Pero di ako basher, di ako katulad nyo ngayon π¦ Kahit na sabihin pang mga bata pa ang inyong mga isipan, sana man lang e magdahan-dahan naman kayo. Maski yang mga iniidolo nyo sasabihin sa inyo na wala kayong karapatan na mag-bash ng iba. Form of Cyberbullying na yan teh, di ba kayo nahiya?
Kung ikaw na makababasa nito ay kabilang sa mga fandom na tinutukoy ko, well, sorry talaga, naiinis ako sa inyo D: