ILANG buwan na ang nakalilipas mula nang makita ko ang unang commercial ng Maxi-Peel – yung testi nung nurse, then sabi ko nun, totoo kaya ito? kasi sa panahon ngayon, ang mga beauty products, ay parang mga lalaki lang, iilan na lamang sa mga ito ang ‘totoo’ π π
then di ko pa naman gaanong pino-problema yung mga pimples sa mukha ko eh, so ganun.
nung lumabas ulit nanaman ang iba pang mga testi commercials ng mga maxi-peel users, parang unti-unti nakong nape-persuade na bumili nito. Sabi ko, “Sige, pagdating ng bakasyon, susubukan kong gumamit niyan.”
then i read some of the reviews online about this product. May iba na nagsasabi na epektibo nga talaga ito sa pagpapaganda, samantala yung iba naman ang sabi e lalo daw lumala yung mga tigyawat nila -_-
medyo nag-alinlangan ako, baka pag gumamit ako nito masunog lang ang fez ko, lalo lang ako papangit niyan, di na talaga ako makakapag-asawa nito (srsly)
so nung April 1, bumili ako ng Exfoliant Solution #1 na maliit, since wala na kaming klase eh di nako maaarawan niyan, keribels ko nang mag-exfoliate.
Eto na, nung unang gamit ko, ooh medyo kuminis nga yung mukha ko, pero pagkatapos ng isang oras eh namula ng bonggang-bongga ang mukha ko! grabe! para akong nagkaroon ng pantal! ang kati-kati D: sabi sa nakasulat dun sa karton side effects lang daw yun
nung mga sumunod na gabi, ganun pa rin ang nangyayari, namumula ang mukha ko tapos ang kati-kati.
sa ngayon pinagpapatuloy ko pa rin ang paggamit nito, at sana, pagdating ng June 15, ay makita ko na ang effectivity ng produktong ito sa mukha ko xD sana maging kasing-ganda nako nung mga nag-testi sa maxi-peel commercials β₯
ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA π π
I am sure this article has touched all the internet visitors, its really really good article on building up new web site.
LikeLike