Bakit ba masakit ang pag-ibig?



ITO’Y isang katanungang tila napakadaling sagutin. datapwa, kung talagang pakasusuriin ay napakahirap ihanap ng tumpak na kasagutan sa lahat ng uri ng pangyayari.

bago ko ito sagutin ay nararapat munang malaman kung ano ang kahulugan ng pag-ibig. bawat isa’y may kanya-kanyang pakahulugan dito. para sa akin, ang pag-ibig ay katulad ng isang sulong tumanglaw sa aking nadirimlang isipan.

kung ating iisipin, ang pag-ibig ay isang parusang walang katapusan. kahit masaya, may luha din kung minsan, lalo na kung hindi nasusuklian. minsan, sa buhay ng tao, kailangan mong maghintay para sa pagmamahal. pero paano kung naghihintay ka pala sa wala?para kang naghihintay na tumamis ang asin, at tila naghihintay ka na umulan kahit alam mong summer naman. ang saklap, hindi po ba? mahal mo siya ngunit hindi ka naman pala gusto, at hinding-hindi ka niya magugustuhan.

bakit ba masakit ang pag-ibig? ang isa pang dahilan nito ay dahil sa napupunta tayo sa maling tao. yung akala mo siya na, pero hindi pa pala. ang hampas ng pamalo ay nakapangingitim, ngunit ang hampas ng maling pag-ibig ay nakadudurog ng puso. yung tipong, ang isinubo ko sa kanya ay kanin, pero nang subuan ako, may lason pala ang pagkain. ibinigay mo na ang lahat, pero sinaktan ka lang. para ka lang nagwawalis habang nakabukas ang electric fan, at para ka lang nagtutulak ng pintuan kahit na β€˜pull’ naman ang nakalagay. lahat ng effort mo para sa kanya, nasasayang.

ang wagas na pag-ibig ang siyang pinakamahirap makamtan sa daigdig na ito, kung kaya naman ang bawat isa’y naghahanap kung saan iyon matatagpuan. iisa lang naman ang gusto nating lahat, ang maranasang umibig, at masuklian din ng pagmamahal.

 

PS: assignment ko to sa filipino HAHA! sumulat daw kami ng isang essay gamit ang mga tayutay (na may kasamng hugot)

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.