ITO ANG unang araw ng huling buwan ng taon. Sadyang napakabilis naman ng pagdaan ng mga araw! December na agad, matatapos nanaman ang taon. Sa paglipas ng panahon ay maraming nangyaring magagandang bagay sa akin sa taong ito. Kaya ngayong araw, ako ay nagnilay-nilay. Sinariwa at binalikan ko ang mga masasayang pangyayaring naganap sa buhay ko π
– Nakapag-aral ako ulit.
huminto ako sa pag-aaral nung nakaraang taon – na siyang nagdulot sakin ng matinding kalungkutan at depresyon. Mabuti na lamang at nakapasok na ako ngayong school year. Nagpapasalamat ako sa aking tiyahin, na siyang nagsakripisyo na magtrabaho sa Abu Dhabi para lamang matustusan ang aking pag-aaral.
– Ika-labing walong kaarawan (18th birthday)
ngayong taon ako nagdebut, pero dahil abala ako sa aming proyekto (radio drama) at wala kaming pera nang mga panahong ituuu, spaghetti lang ang handa, pero ayos lang, kasi natupad naman ang matagal ko nang hinihiling eh, ang pumasok ulit :]
– Natuto akong lumangoy.
simula pa man pagkabata ay matindi na ang takot ko sa paglangoy, ngunit nang nagkaroon ako ng subject na swimming (Physical Education III) ay nalampasan ko ang takot ko at sa ngayon eh medyo marunong na akong lumangoy. Sa umpisa ang hirap! Ang dami ko pang pinagdaanan bago ako matuto, haha
– Concert ni Bruno Mars (March 22, 2014)
eto na yung matagal kong hinihintay, sa wakas ay bumalik siyang muli dito sa Pilipinas. Akala ko nung una ay hindi ko na siya makikita pa, buti na lamang at may mabuting-loob na nagbenta sa akin ng ticket, kahit GA lang ako at napakalayo sa kanya, masaya na rin ako kasi narinig ko ng live yung boses niya, kahit sa screen ko lang nakikita, tsaka atleast we’re breathing the same air that time :] isa ito sa mga pangarap ko na natupad.
– 2000+ Twitter followers
ngayong taon ko na-achieve na magkaroon ng ganyan karaming followers (they’re real persons! pramis) ang babaw ko nu? simpleng bagay kung maituturing, pero, dyan ako masaya e! achievement ko na yan!!
Maraming mga bagay ang nabago sa akin ngayong taon. Medyo nagpaganda ako (ipinagmamalaki ko talaga! haha!) kahit papaano. Maski sa pag-aaral ay binago ko na ang aking istayl, ganito kasi yun:
Noon kasi, para sipagin ako mag-aral, kailangan ko muna ng konting ‘Environmental Scanning’ (bugaw sa tagalog xD), ang goal ko nun e magpa-impress sa iba, lalo na kay crushhh, pero ngayon, sinusubukan kong makipagpaligsahan sa mga magagaling sa aming klase. Kung dati, hindi ako nag-rereview, umaasa lang ako sa tinatawag na ‘Stock Knowledge’, pero ngayon talaga nagrerebyu nako. Maganda naman ang kinalabasan, 1.59 ang GWA ko ngayong unang semestre. Ipagpapatuloy ko pa ito sa mga susunod pang taon. Ang gusto kong makamit sa susunod na pasukan ay ang maging Director, o kaya Production Manager man lang ng teatro na aming gagawin sa 3rd year.
Dati, palagi akong umuuwi ng gabi, minsan pa nga ay lagpas pa ng alas-diyes ng gabi. Gumagala at tumatambay pa kasi ako sa bahay ng kaklase ko, kaya galit na galit sakin si kuya. Pero ngayon, dumidiretso na ako umuwi sa bahay! Proud at ipinagmamalaki ko ito, kasi akala ko nung una, imposibleng mangyari ang bagay na ito – na hindi na gagala at uuwi na agad, pero nagawa ko! diba! yung mga kaklase ko din ngayon kasi mga tamad gumala e, kaya ayun xD
Medyo naging madaldal na rin ako ngayon, di tulad noon na tahimik at walang kibo. Baka dahil na rin sa mga classmate ko na madalas akong pag-tripan. Dati nahihiya pa ako palagi, pero ngayon medyo nawala na ang takot ko na makipag-socialize. Sabi nga sa akin ni Jade nun, “Lumabas ka na ng comfort zone mo.” Ayan, tingin ko nagagawa ko na.
Noon pa man, Disyembre na ang pinakapaborito kong buwan. Bukod sa birth month niya (charing lang!) pasko syempre, pero bukod nga dun, maraming magagandang bagay ang inaasahan ko ngayong buwan. Una, yung sportsfest. Kahit na hindi ko tipo ang sports, natutuwa akong manood nun, sila Micko at Frank (along with the rest of Violet Royales) lalaban sa volleyball, tapos ang inaabangan kong Cheerdance Competition. Ikalawa, ang Christmas Party, may teambuilding daw ang ABCOMM after Christmas Party, kaya naeexcite ako! Ikatlo, simbang gabi. Di ko alam kung papayagan ako ng madaling-araw na Misa de Gallo. Kung payagan man, magiging unang beses ko ito. Pero kung hindi, ayos lang. Basta kailangan makumpleto ko muli ang siyam na gabi.
Sa kabuuan, ako ay umaasang magiging positibo at maganda ang pagtatapos ng taong ito. β₯
One thought on “Throwback 2014: Year End Review”