Pangangailangan vs. Kagustuhan

ISANG pahayag mula kay Ma’am Tine ang siyang nakapagpabago ng aking perspektibo sa buhay. Una ay tinanong niya kami ng ganito, “Masasabi mo ba na ikaw ay isang mahirap na tao?” Sumagot naman ako ng OO. Eto ang mga dahilan ko:

– P40.00 lang ang baon ko bawat araw (28 pesos ang pamasahe ko, bale 12 piso kada ang badyet ko pansarili)

– Hindi ako kaagad nakakapagbayad ng matrikula, minsan promi, minsan wala talaga.

– Hindi na ako binibilhan ng bagong damit, sapatos, at bag. Karamihan sa mga gamit ko ay binigay lang ng kung sinu-sino.

– Ang cellphone ko na basag ang LCD screen, halos isang taon ko nang hindi napapaayos, mahal masyado, lalong hindi naman ako mabilihan ng panibago!

– Hindi na rin ako nakakakain sa mga mamahaling restawran.

– Di ko pa nararanasang uminom ng Kape ng Starbucks, kahit yung Frappe na tinatawag nila na nabibili sa JellyTea.

– Hindi ko mapakinabangan yung Instagram account ko, kasi nga wala akong smartphone.

– Wala rin akong album o kahit na anong merch ng idolo kong si Bruno Mars.

– Wala rin akong pambili ng ticket para sa concert ng One Direction sa darating na Marso.

– Di ako nakakapanood ng pelikula sa mismong sinehan (maliban na lamang kung proyekto sa school yung film showing)

Kung gayon eh mahirap nga ako! Ngunit ang sinabi ni Mam: “Bakit nga ba nasasabi ng isang tao na siya ay mahirap? Yun ay dahil hindi niya makuha o mabili yung mga gusto niya..” Oo nga nu! Natauhan ako, este ako ay naliwanagan sa pahayag na iyon. Naisip ko, hindi naman kami mahirap, nakakakain naman ako ng limang beses sa isang araw, maaliwalas ang tirahan namin kung ikukumpara sa iba, nakakapag-aral ako sa isang kolehiyong tulad ng STI, may wi-fi at cable connection kami sa bahay. Sadyang hindi lang talaga ako niluluhuan ng pamilya ko xD jk. Hindi ko lang siguro mabili yung mga bagay na gusto ko. Sila may ganito, ako wala. Sila may IPhone at Samsung Galaxy, yung sa akin sinaunang model pa ng Nokia. Pag lunchbreak, sa Mcdonalds at Jollibee sila kakain, ako naman nagbabaon lang ng pananghalian. Pag naiinitan, sa JellyTea sila tutungo, tapos ako, bibili lang ng Ice Tubig dyan sa may kanto.

Nape-pressure lang siguro ako kasi yung mga taong nakapaligid sakin, mga maykaya at anak-mayaman. Sabi ng tiyahin ko, kapag nagkasweldo na ako at kumikita na ng pera, mabibili ko na raw kung ano yung wala ako ngayon, makakapunta na ako sa mga lugar na gusto kong puntahan, at makukuha ko na rin yung mga bagay na nais ko. Kaya, sisikapin ko pa lalo ang pag-aaral para makatapos. Magtitiis muna ako sa ganitong kalagayan ngayon. Balang araw, kapag nakapagtrabaho na ako sa Amerika, mararanasan ko na rin ang maginhawang pamumuhay ☺β™₯

Advertisements

One Reply to “Pangangailangan vs. Kagustuhan”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s