One year after the catastrophe.

ISANG taon na ang nakalilipas mula nung nanalasa ang Bagyong Yolanda sa Visayas. Napanood ko sa KMJS ang iba’t-ibang kwento ng mga tao na nakaligtas mula dun sa daluyong na siyang dahilan ng pagkamatay ng libu-lubong tao. yung iba inanod at nalunod, yung iba natabunan ng barko, at ang masaklap pa, yung iba naman, hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ang bangkay ng kanilang kaanak. Kalunos-lunos talaga ang sinapit nila. Lahat ng ipinundar nila: Kabuhayan, Kayamanan, mga mahal sa buhay, nawala sa isang iglap. Marami ang nawasak na tahanan, marami ang taong lumuha, marami ang pusong sugatan (tukso ang peg xD). In short, marami ang nagdurusa.

napag-isip isip ko, bakit sila pa? kung ire-reduce lang naman ang population ng Earth, bakit yung mga pangkaraniwan, inosenteng tao pa ang namatay? Bakit di na lang yung mga taong threat sa humankind?

  • Bakit di na lang yung mga mayayamang negosyante na may bathtub na puro pera ang laman?
  • Bakit di na lang yung mga hinayupak na rapists?
  • Bakit di na lang yung mga politiko na 2014 pa lang e may political advertisement na?
  • Bakit di na lang yung mga OA na fans ng insert boyband name here?
  • Bakit di na lang yung mga taong paasa at kilala ka lang pag may kailangan sila? diba? (sorry xD)

Ang pangyayaring ito ang nagpapatotoo sa isang kasabihan na β€œLife is Unfair”. Kumbaga, walang pinagpipilian. Kung kalooban talaga ng Diyos na mamamatay ang isang tao, wala na tayong magagawa. Masakit mang isipin, ngunit kailangang tanggapin.

Nga pala, yung sinabi ni PNoy na mabilis ang improvement, sa piling lugar lang yun. Mabilis ang pagrecover nila, yes, pero mabagal pa rin ang pag-unlad. If you look at the rural places, sa mga liblib na baryo, if you ask the people one by one, ang isasagot nila ay, “Wala pa rin kaming natatanggap na kahit na ano mula sa pamahalaan”. Syempre sa gobyerno unang aasa ang mga tao! Yung mga donasyon para sa mga biktima mula sa iba’t-ibang bansa, san ba nila inaabot? diba sa gobyerno? Sa kanila hahanapin yun. Ang tanong, naibibigay nga ba ng buo sa mga mamamayan? Naipamumudmud ba? Don’t tell me kulang yun, e bilyon na yata ang kabuuang halaga nun e, bakit yung iba hindi pa rin natutulungan? KASI MABAGAL ANG PROSESO.Dapat sa mga politiko, sa mga nabiktima ng bagyo kayo nagpapa-impress, hindi lang tuwing may hearing ang Senate Blue Ribbon Committee! (peace xD)

(image source)

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s