Hell Week, at its’ finest.

SA WAKAS, nakapagpost na ulit ako. nakakaloka ang Finals, grabe, sabay-sabay lahat ng mga project namin. ngayon lang ulit ako nastress ng ganito kabongga! heto ang mga pinagkaabalahan ko:

– sa COMS104, gumawa kami ng sarili naming dyaryo. Alam nyo ba, groundbreaking sakin yun! kasi na-appoint ako bilang Editor-in-Chief (though they already know i really wanted that position so bad). Nung una parang may humahadlang eh, feeling ko lang naman, pero wala talaga, kasi wala namang kumontra nung ako na naglead eh, hehe. Pero kahit ganito, medyo pressure pa rin ako, kasi leader yun e! So ang nangyari, medyo epic fail yung kinalabasan nung newspaper. Marami din naman akong pagkukulang dun, kaya nagkaganun. Nung news gathering, walang nangyari. Nung editing, halos lahat si Realyn ang nag-edit, na supposed-to-be dapat bawat isa sa amin may isang page na ieedit. Kaso wala e T_T nung thursday dapat ang deadline nun, pero buti pina-extend ni Mam (thank you talaga Mam! โ™ฅ) di
natulog si Rea nung gabing yun para matapos yung pag-aayos nun sa Corel. Gustung-gusto ko sana siyang tulungan, kaso di naman ako pinapayagan nang overnight! Haaay ๐Ÿ˜ฅ nakakahiya kasi dapat trabaho ko yun e (bilang EIC!) e kaso siya yung napapagod para samin. Medyo disappointed pa ako nun kasi ang goal ko is manalo kami bilang “Best Newspaper” sa Awarding. Sayang nga lang. Walang nakakuha ng Best Newspaper Award ๐Ÿ˜€ hahahaha. Okay lang, sa tingin ko naman mas maganda pa rin yung gawa naming dyaryo kesa sa dyaryo ng kabilang grupo :p HAHAHAHA peace v(^_^)

– sa COMS106, Documentary tungkol sa mga taong nakatira sa sementeryo. Ang medyo mahirap dun eh yung sumiksik kami sa mga makikipot na daan sa sementeryo. Pero worth-it naman yun. Buti nalang nakapag-umpisa na kami bago mag-finals. Gusto kong magpasalamat ng marami kina Jovielle, Justin, at Mitchie, sila ang nag-asikaso nun, wala nga akong naitulong dun eh ๐Ÿ˜€ ๐Ÿ˜€ pero pramis maganda yung Docu namin (kahit di ko pa napapanood) basta maganda yun!

– samantala, sa COMART3, debate naman, nag Pro ako sa topic namin which is Death Penalty (walang kamatayang paksa ituu) Sang-ayon naman talaga ako e, para mabawas-bawasan na ang population ng Earth, tbh. Dapat tsinutsugi na yung mga threat sa national security, public safety, at public health e (charing!) tulad ng mga serial killers, rapists, lalung-lalo na yung mga buwayang nakaupo! (#lamnadis) pahirap sa mga mamamayan, tsssss. Sama-sama kaming mga superpowers dun: Rea + Micks + Ako (superpowers talaga!) kaso natalo kami ng mga anti-dp eh. Ang galing nilang magdefend. *clap clap*

– tapos sa FILIPO2, term paper! nung umpisa pa lang ayoko na nito e, sakin napunta lahat ng pala-absent na kagrupo xD ano pa bang mangyayari, e di nganga ๐Ÿ˜ฎ ginawa ko lahat nung kabanata 1 in 2 hours, instant :3 tapos mali mali pa pala yun. Ako lang kasi ang mag-isang pumasok nung araw na yun e. Nga pala, salamat kay Frank at Jess, dahil sa kanila nagkaroon ng respondents ang term paper ๐Ÿ™‚ ๐Ÿ™‚ puring-puri kami ni Mam Jenn dahil sa ginawa nilang dalawa *winks*. Isang araw bago magdefense, na corrupt yung flash drive ko. Lahat nang files ko, nawala sa isang iglap. Naulit nanaman yung nangyari nung first year ako, na nacorrupt ang flash drive ilang araw bago ipasa ang research paper namin nun *_* ayun gumuho ang mundo ko T_T Pero thank God at nakapag-defense kami ng maayos kinabukasan. Though medyo
nakulangan ng konti si Mam, okay na rin yun :))

– COMS105 – Live Television Production (YES) isang gabi lang namin, este nila inasikaso to. Nag-overnight sila pagkatapos ng Awards Night, di ako kasama xD (as usual, asa pa ba?) Pero nung umaga naman sugod agad ako kina Kuya Henry nu ๐Ÿ™‚ And as usual, may mga rants nanaman ako sa mga kaklase ko pero di ko narin sasabihin dahil baka mapuno pa itong blog ko ng mga rants lang, ang pangit naman nun, magmumukha pa akong masama hihi. Basta late na late talaga ito, kaya cramming talaga sa pag-edit. Ang masaklap dun, lima lang kaming nagkakanda-ugaga sa Prod. na yan, juiceko. Naawa na nga ako sa Director, Anchors, at Editor eh, zombie na sila, i mean walang tulog. Nung mismong araw na ng prod, epic
fail ulit. Ang bait talaga ng school samin, thank you talaga, para sa quality education na binibigay nyo samin xD di ba naman kami napahiram ng mga equipments, kesyo ganito ganyan, maayos naman po kaming nagbigay ng letter e, bat po ganun? Lam nyo ba editor din dapat ako, kaso wala eh, wala talaga. Ayoko na magpakahirap dyan, litsi pagdating sa huli pare-pareho pa rin naman mga grado namin kahit anong hirap ko e T__T pero yun nga, dun ako napwesto sa technical, ako yung magpapalabas ng video sa screen (di ko maalala kung ano ang eksaktong tawag sa ganun, basta yun!) nung time na yun nanginginig ako, bukod sa gutom, eh andami ko talagang errors na nagawa, tae. Pero humanga si Sir Rob sa technicals, huhu. Di niya masyado pinansin yung mga mali ko. Anyways, ayun, kahit medyo lagpak kami, masaya pa rin ^__^ kahit puyat, gutom, haggard, keri lang. Kumain naman kami ng mami pagkatapos e, yay โ™ฅโ™ฅ

AT ANG THE BEST DITO, LAHAT YAN GINAWA NAMIN SA LOOB NG ISANG LINGGO! HAHA!

iba pang pangyayari nung Finals:

Awards Night – nung unang i-announce samin na magkakaroon daw ng awarding ang ABCOMM, naexcite ako, feeling ko kasi mananalo ako ng award e, kahit best newspaper or best radio drama lang sapat na ๐Ÿ˜€ naghanap talaga ako ng isusuot para sa event na yan! naku! pero nung hell week na, nawala na sa isip naminย yan, inuna naming asikasuhin yung mga project and etc. Ilang oras bago mag-awarding, dun pa lang namin natapos ang lahat ng mga gawain namin, bukod sa Prod kasi na-move yun kinabukasan after awarding, supposed to be dapat ay gagawin ang Prod sa araw na yun. Inayos pa namin yung stage nun ha. Tapos yung ibang nandun, kuntodo makeup at porma talaga eh, ‘kala mo naman may makukuhang award ๐Ÿ˜€ BWAHAHAHA. So eto na, nung nagstart na – ang unang award na ibinigay ay yung ‘Best News Writer Award’ nung mga panahong ina-announce niyan e tinatanong ko si Rea kung bagay ba sakin kung suutin ko
yung itim na paldang dala ko – nang biglang tawagin yung pangalan ko ๐Ÿ˜€ hiyawan mga kaklase ko ๐Ÿ˜€ medyo nagulat ako, teka, ako ba talaga yung tinawag? okaaay buena mano! haha! umakyat ako ng stage, kahit medyo see through pa yung dress ko nun (na hiniram ko pa kay Rea dahil wala akong dalang damit nung araw na yun – kasi nga prepared talaga ako!) i dont care, kami-kami lang namang mga ABCOMM nandun e, tapos nagsalita ako ng konti, tapos bumaba na ng stage. Tapos nun, naghihintay ako baka manalo pa ako ng ibang award ๐Ÿ˜€ haha wala eh yun lang, pero ansaya saya ko talaga nun โ˜บโ™ฅ si Rea, nakaapat na award, hangang-hanga ako sa kanya, she really deserved all of that, ang galing galing niya ๐Ÿ™‚
๐Ÿ™‚ kudos!pagkatapos ng Awarding, dumiretso na ang Sophomores sa overnight ๐Ÿ™‚ para sa Prod.

Naligo kami sa ilog, YES. padespedida ni Sir Rob. Nagtrece kami ๐Ÿ™‚

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s