ILANG taon nang problema ng Pilipinas ang mabigat na daloy ng trapiko, lalo na kapag rush hour. Mas Malala pa kapag naulan dahil madalas baha pa ang kalsada. Isa pang dahilan ng traffic ay ang kabi-kabilang, walang katapusang road projects ng DPWH. Sabi nila, pag natapos na raw yung mga proyekto e magiging maayos na ang sistema, ganun pa rin naman, walang pinagbago. Yung pinangako nilang di na babaha dun sa kalsadang ni-repair nila, binabaha pa rin. Tapos eto pa, naalala ko pa nung ipinatupad ang Truck Ban sa kalakhang Maynila, sinabi ni Vice Mayor Isko Moreno nung mga panahong yun na luluwag na daw ang mga kalye kapag ipintaupad ang ordinansang ito. Anong nangyari? Mas lalo pang nagkaproblema, nagkaroon pa ng congestion ng mga container. Nadelay tuloy yung mga nandun sa port. Bukod pa riyan, nagiging cause din ng traffic ang mga kolorum na sasakyan na walang pakundangan kung umarangkada sa EDSA, pati na rin ang mga aksidente na araw-araw nang nagaganap. Mga pasaway na mamamayan.
Kaya ang ating mga kapwa commuter ay mas pinipili na lang na sumakay ng tren, partikularna ang MRT, para daw mas mabilis na makararating sa kanilang paroroonan.ngunit, mas lalo pa yata silang napapatagal pag nag-MRT sila e, sapagkat sa pagpila pa lang ayΒ pamatay na. sa sobrang haba ng pila para makabili ng ticket ay madalas inaabot pa sila ng kalahating oras. Marami na kasi ang mga pasaherong tumatangkilik sa MRT kaya ganito ang nangyayari.tapos madalas pa ang aberya nito. Halos araw-araw palagi na lang nababalita na may hindi magandang nangyayari sa MRT kaya ito nagkakaaberya. Paano na lamang yung mga pasahero na nakapila na? nasayang lang ang kanilang oras kasi sa huli ay sa bus pa rin naman sila sasakay., masaklap ngunit totoo. Luma na rin kasi ang mga bagon, kaya nararapat lamang na palitan na ang mga ito. Ang kaso, yung pondo na pambili sana ng mga bagong bagon ay mukhang kinurakot pa yata ng mga walangyang opisyal ng MRT. Kaya tuloy ay matatagalan pa bago maka-order ng mga bagong bagon, dadaan pa ito sa ibaβt ibang proseso. Hanggang kalian kaya magtitiis ang mga pasahero ng MRT? Kalian ba nila mararanasan ang kaginhawaan sa pagbiyahe?
Dahil sa problemang ito sa sistema ng transportasyon, maraming Pilipino ang madalas na nahuhuli sa kanilang mga patutunguhan, lalo na ang mga empleyado na papunta sa kani-kanilang mga opisina. Dahil ditto ay nababawasan pa tuloy ang sweldo nila. Ang mga estudyante naman ay kinakailangan pang gumising ng mas maaga para lang hindi sila ma-late. Sana maisip ng mga opisyal ng DOTC na araw-araw itong kalbaryo ng mga mamamayan! Sana hindi na lang puro ββsorryββ ang maririnig natin mula sa kanila. Ang kailangan ng mga tao ay isang konkretong solusyon, hindi pagpapaumanhin lang. Kunsabagay, ang Traffic system rin natin mismo ang siyang sumasalamin sa kaunlaran ng Pilipinas β NAPAKABAGAL NG PAG-USAD.