YES. nakapasok na ulit ako ngayong sem. nabayaran na namin yung 15k na utang sa STI. medyo late enrollee nga lang ako pero keri lang yan. salamat sa Diyos! ang saya, kasi sa wakas nakapag-aral na ulit ako. isang taon din akong na-depressed nun. nakikita ko yung mga posts ng mga classmates ko like, βnakakastress yung mga projectβ, etc. naiinggit ako sa kanila, buti pa sila nag-aaral, ako nasa bahay lang lagi, nganga. nung mga unang buwan,** palagi kong iniiyakan to**. di rin ako nakakalalabas ng bahay, kaya feeling ko talaga nun akoβy bilanggo sa sarili kong tahanan. o diba nakakadepressed talaga. buti na nga lang dinadalaw ako minsan ni Meichie e. minsan nga lang, pag di siya busy..
Eto na nga. nung nagbalik eskwela ako – nung umpisa, nalungkot ako, kasi yung mga kasama ko noon, di ko na classmate ngayon 3 third year na sila, samantalang ako second year pa lang :(( napag-iwanan ako ng batch ko. tapos pa, yung mga kakilala ko sa school, abaβy dinadaan-daanan na lang ako ngayon! di nako pinapansin. yung mga bago ko namang mga classmate, di rin ako pinapansin. ayaw yata nila sakin eh kapag lunch, kina Jade at Meichie pa ako sumasabay. pero kapag wala sila, ako lang talaga mag-isa ang nanananghalian π¦ parang ganun pa rin ang nararamdaman ko, pumapasok nga ako, pero parang βaloneβ pa rin ako.
nung first day ko, pumasok ako sa room ko, tinanong ko yung isa sa mga taong nandun sa loob, kung tama nga ba ang napuntahan kong room. oo, room to ng ABCOMM2.1A, ang bago kong environment. pamilyar sakin ang mga mukha nila, kasi madalas nakikita ko sila kasama ang mga bebecoms sa mga pictures na ina-upload nila sa facebook. pero ako, mukhang di pa yata ako kilala nun. isolated ako, nasa harap. sila nasa likuran banda. si Labastida nga na classmate ko na rin noon (pareho din kasi kaming natigil nung nakaraang taon) di ko rin malapitan. buti pa siya close agad sa kanila.
then, nagpa-activity agad na by group! wew buti nalang isinali ako sa grupo nila Mitch. umm medyo kilala ko siya, since friend ko na yun sa facebook. alam niya agad na hooligan ako! haha. medyo ilag pa ako sa kanya nun, kasi parang mataray siya e. pero hindi naman pala π ang bait bait nga niya sakin eh π
nung coms105 naman, may activity na by pair naman. wala akong ka-partner, walang may gustong pumartner sakin kasi nga baguhan lang ako dun. pero may nagvolunteer naman na isa para maging kapartner ko – si Jessa. feeling ko nun baka napilitan lang siya, pero sabi niya hindi naman daw π nung activity na yun, isa kami sa highest, nagclick daw kasi yung tambalan namin sa radio announcing eh π sabi ni Sir Rob. sabay kami umuwi ni Jessa nung araw na yun, taga Greensborough lang pala siya. at eto pa, bespren niya si Kath, na classmate nila Meichie nun na nakakachat ko din sa facebook. ang liit ng mundo nu?
nung mga sumunod na araw, may nakipag-usap na rin sakin na iba kong kaklase, si Rowlyn. sabi niya, tabi ka dito samin. lahat kasi sila sa may likod banda nakaupo, tas ako lang mag-isa ang nasa unahan. nung lunchtime na, dun ko pa lang sila unang beses na nakasabay kumain. ok naman sila π akala ko ayaw nila sakin e. tapos nun naging close na kami ni Rowlyn. lam nyo ba, di yun kakain ng lunch pag di ako kasama, idk why, hihi. nung mga sumunod na linggo, nakakasama na rin ako sa mga gala nila, hanggang sa ayun, tropa tropa na kami ^_^ HAHA.
sa katunayan nga, parang mas close ako sa mga kaklase ko ngayon kesa sa mga kaklase ko noon e, ewan ko. noong first year, napakatahimik ko, di makabasag pinggan, (sa twitter at tumblr lang ako maingay hahaha) di ko lang trip dumaldal when im around them. pero ngayon, nung kasama ko na mga second year, ang daldal ko na, konti, hahaha. basta yun, masarap silang kasama β₯ kahit minsan iniiwan ako ng mga yun, sabi nga ni ate sheng, iba raw yung ngiti ko na nakita niya sakin nung kasama ko ang mga 2ndyr eh (?) basta parang ganun yung pagkakasabi niya, umoo na lang ako π kaso nga lang, ang ayoko sa second year abcomm, medyo tamad, tbh. pagdating sa paggawa ng mga projects (esp. group projects) bilang lang sa amin ang reliable!di tulad ng mga pioneer, lahat kami, este sila pala, nakilos. kahit si Jemai, na madalas absent noon, di siya nagpapabaya.
ang daming nagbago nung pagpasok ko ulit. yung mga classmate ko noon nagmature na, nagpush pa more sa pag-aaral. dati halos petiks lang sila, ngayon, ang gagaling nila, halos lahat sila deanβs lister! amazing! si meichie, dati easy-go-lucky lang yan, pero ngayon focus na focus na siya sa pag-aaral. nakakasabay na siya sa pagalingan ng third year π pero kasabay nun, naging mataray na din siya. minsan nga natatakot ako sa kanya e, kasi kahit ako inookray niya. lam nyo ba, nung nakaraan, mga bandang july (kakatapos ko lang magdebut nun) nagtampo sakin yun, kasi akala niya ipinagpalit ko na siya bilang bespren (luh imposible naman) ilang araw niya rin akong di pinansin nun. since first time nangyari samin yung ganun, iyak iyak pa ako kay Rowlyn nung time na yun! akala ko magbe-break na kami, akala ko matatapos na yung two years namin(bowa lang ang peg) pero buti na lang at naging ok na kami ulit. pero mula nang nangyari yun, medyo ilag nako sa kanya, i mean minsan, nag-aalangan ako na lapitan siya, ayoko kasi mangyari na mainis ulit siya sakin dahil sa mga bagay na ginagawa ko, tulad nang pag minsan na tinatamad nako sa buhay ko, sa pag-aaral, nagagalit siya. pero kahit ganito kami, ni minsan hindi sumagi sa aking isipan na iwanan siya, NEVER. kahit minsan lang kami magkasama, kahit mas madalas pa niyang kasma si Jade kesa sakin (nahinto kasi ako kaya di na kami magkaklase talagaaa /3) kahit ganun siya sakin, hindi ko siya ipagpapalit sa iba! Aba, siya lang ang nagmahal sakin ng ganito β₯β₯
ang daming nangyaring magagandang bagay sakin ngayon sem,ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya, na makapag-aral ulit. kahit na madalas akong minamalas, disappointed, keribels lang yan. text nga sakin ni Ate Vky, _βDi bale nang maghirap ako na magtrabaho dito sa Abu Dhabi, basta makapag-aral lang kayo.β _ awww :3 thank you so much Ate Vky! I owe it all to you :β) kung hindi dahil sayo, baka kung saan na ako pulutin niyan. Pramis gagalingan ko pa sa pag-aaral! PRAMIS YAN! β₯
PS: Dear reader, kung sino ka man, thank you sa pagtitiyaga mo sa pagbasa neto. Pang-MMK ba? HAHA! gege, hanggang sa susunod na post ko na lang ulit!