Pag-ibig na ba ituuu?

MAY NAGTANONG sa akin kung anu-ano raw ang mga signs na inlove ka. Well, eto ang mga nangyayari pag inlababo ka (base lamang ito sa mga personal kong karanasan pag ako’y nagkaka-crush) hihihi

– Normal na ito sa mga taong inlove. Maiisip mo siya paggising sa umaga, bago matulog, kung ano na kaya ang ginagawa niya sa mga oras na to, kung natapos na kaya niya ang mga assignments niya, ganun! kasama na rin rito ang pag-iimagine/pag-aassume ng magiging future mo, future niya, future nyong dalawa, kung paano kayo magkakatuluyan

– Ang bawat ginagawa niya ay napapansin mo. Halimbawa – yung simpleng pagpisil niya sa pisngi mo pag nag-aasaran kayo; na every monday alam mong kulay blue ang scarf na gamit niya (4). Sa mga simpleng bagay na ginagawa niya para sayo, kinakikiligan mo na, feeling mo special ka na rin sa kanya. Inalalayan ka lang magdala ng gamit mo, akala mo sweet na sayo, malay mo matulungin lang talaga yun πŸ™‚

– Pag napanood mo yung Dragon Ball, maaalala mo siya, yun kasi ang favorite niyang anime. Nung pinatugtog ang ‘Just The Way You Are’, naalala mo siya kasi yun yung kinanta niya nung Christmas Party nyo. May mga bagay na pangkaraniwan lang para sa iba, pero para sayo may masasayang alaalang kasama πŸ™‚ kasama na rin rito yung pag nakakarelate ka sa mga lyrics ng isang kanta, yung bigla mong narinig yung kantang “Sa isang sulyap mo” napatigil ka tapos napangiti ka, tapos maiisip mo agad siya yun na yun! tapos pakiramdam mo isinulat ang kantang yun para lang sa inyong dalawa β™₯ Every single thing you know that is connected to him will always be memorable.

Yung tipong halos lahat ng mga desisyon at gagawin mo naka-depende sa kanya πŸ™‚ halimbawa: magpapa-enroll ka sa araw na magpapa-enroll siya, para alam mo kung saan school at section siya; di ka aattend ng school event kung wala siya; sasali ka sa club kung saan member na siya; dadaan ka sa rutang dinadaanan niya papasok at pauwi. Siya ang rason!

Naghihintay ka lagi ng text mula sa kanya, kahit na wala namang dahilan para itext ka niya. Baka mangumusta lang, baka may itanong siya about sa lesson nyo sa school, ganun. Kasama na rito yung pag nag-gm siya ng love quotes, kilig na kilig ka, kahit di naman para sayo yung quote na yun. Sige, assume pa!

Stalking: Ilalagay mo siya sa ‘close friends’ list mo sa facebook, para malaman mo lahat ng activity logs niya. Kung sino in-add niya, kung ano ni-like niya, kung ano ang mga comments niya, etc. Di sapat yung simpleng pagtingin niya sa profile niya. Pati yung pag-stalk sa kanya literally, wherein sinusundan mo siya kung saan man siya papunta, pauwi man ng bahay, pag gagala ng mall, hihi

– Di mo napapansin, pero bigla kang nako-conscious sa hitsura mo πŸ™‚ yung mga damit na sinusuot mo naman noon, di mo na ginagamit ngayon kasi baka magmukha kang panget tingnan. Dati kuntento ka na sa pulbo, pero ngayon gusto mo na ng face powder. Kahit na di niya naman napapansin yung looks mo, todo effort ka pa ring magpaganda para sa kanya.

– Pag nakita mo siya na may kasamang ibang babae, kahit na classmate niya lang, napapaselos ka talaga ng bonggang-bongga. Masasambit mo na lang ang mga katagang “Layuan mo siya utang na loob xD” at “sana ako na lang siya”. Tapos pag nili-link siya sa ibang girl e napapasimangot at napapa-walkout ka na lang.

– Pag nai-inlove ka sa isang tao, wala nang turnoff-turnoff! Wala ka nang pakialam kung ano man siya, o kung ano man ang nakaraan niya. Tanggap mo lahat ng flaws niya. Ex: nalaman mo na smoker pala si crush, pero kahit ganun, hindi pa rin magbabago ang pagtingin mo sa kanya.

– Simple lang, imagine mo halimbawa nasa iisang bangka kayong tatlo (ikaw, si “Special Someone”, at yung crush na crush mong celeb. Halimbawa sakin, si Adam Levine πŸ™‚ πŸ™‚ lumubog ang bangka, sino ang ililigtas mo? pag si SS, ay pag-ibig na iyan! pero pag si Adam, or whoever your celeb crush is, it means mababaw pa rin yung feelings mo para sa kanya

– Eto proven to, pag absent lang siya nang isang araw, iba na ang aura mo. Feeling mo kulang na kulang ang araw mo. Di ka mapakali kasi di siya pumasok. Bakit kaya? iisipin mo ang mga posibleng dahilan. Di mo siya matatanong kung bakit wala siya, maninibago yun. Dati wala kang pakialam kung andyan man siya o wala, pero ngayon, isang araw lang kayong hindi nagkita, nami-miss mo na agad siya.

– and lastly, pag nag-uusap kayo, mas intimate na, yun bang nata-topic mo na yung family mo, family niya. (eto sabi sakin ng classmate ko) pag once na na-curious ka na sa family life ng crush mo, ibig sabihin daw nun parang gusto mong mas lumalim pa yung samahan nyong dalawa (pero di ko pa sure kung totoo nga to)

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s