On choosing my course โ€“


Hindi ko po inakalang ABCOMM ang kukunin kong kurso sa kolehiyo! Haha! Biglaan lang talaga ang lahat, heto at ikukuwento ko sa inyo:

Nung bata ako, ang pangarap ko talaga ay maging isang politiko โ€“ kasi gusto ko tumulong sa mga nangangailangan nun, katulad ni Madam Cory. Tsaka dati akala ko kapag politician, pwede ka nang mamigay ng kahit ano sa kahit sino. Pero di pala ganun kadali yun! At masama ang magiging tingin sayo kapag ginawa mo yun! Maraming proseso pa pala ang pinagdadaanan bago makarating ang pondo sa mga mamamayan. At hindi talaga birong maging trabaho yun, di ka lang basta tutulong lang, marami kang responsibilidad na gagawin bilang isang lider. Aynaku, nung nag-aral na ako ng Social Studies at namulat sa mga maruruming gawain sa mundo ng politika, ayoko na. Umatras na ako haha kontento na ako maging isang simpleng mamamayan.

Ops ops balik tayo sa topic. May mga bagay akong isinaalang-alang sa pagpili ng kurso at kolehiyo:
1. Murang tuition fee. Since hindi naman garantisado na kaya akong suportahan ng aking pamilya hanggang sa makapagtapos ako.
2. Malapit lang. Pag malayo, mahal pamasahe. Wa-ing pera!
3. Tiyak na kabog ang career in the future. Or shall I say, course na ikayayaman ko balang araw! Lol
4 PASSION. Siyempre kung ano talaga yung mahal mo:)

Na-stress lang ako sa career na tatahakin ko nung nakapagtapos na ako ng high school. Dahil masyado akong nagpaka-YOLO nun, late lang ako naging aware na dapat pala ay maagang kumukuha ng entrance examination sa mga unibersidad! Akala ko kasi diretso ng enrollment pagpunta ng school, hindi pala! Nalaman ko lang yun nung araw ng career orientation, nung nagsipagpunta sa school namin yung mga maliliit na tertiary schools. Di rin ako in-orient ng mga kaklase ko nun kasi di pala sila makakapagkolehiyo๐Ÿ˜ฆ akala ko rin nun di na ako makakatuloy ng college eh. Kasi nga wala kaming pera. Pero himala ah nandito na ako ngayon! Sa pamilya namin ako ang ikalawang makakatuntong ng kolehiyo, at kung sakali man ako ang unang makaka-graduate ng college! Kaya seryoso to ah. Eh ayun nga wala nang nagpapa-entrance exam ng April di ba? Ngangabels na.

Pero kung nakapag-entrance ako sa mga bigating unibersidad, at nakapasok na (kahit sa DLSU lang) baka iba siguro yung buhay ko ngayon! Isa siguro sa mga ito ang kurso ko ngayon:
1. BA in History. Paborito ko kasi to eh.
2. Public Administration. Para mapush na yung pangarap ko wahaha.
3. BS Secondary Education major in Mathematics. Kasi F kong magturo ng Algebra.
4. BA in Music. Wala lang. Bakit ba๐Ÿ˜„
5. BS Accountancy. kasi yan yung gustong-gusto para sakin ng pamilya ko, eto raw ang magpapayaman samin =)

Tapos eto na, nung tinanong ko yung dati kong crushย kung anong course ang kukunin niya, sinabi niya BS Civil Engineering o BS Marine Transportation. Aba, naisip ko, kung mag-Engineering na rin kaya ako? Since na-inspired naman ako mula sa 3 Idiots, tapos achiever naman ako sa English, Science and Math, plus yung tita ko na Inhinyera eh nakaaangat na sila sa buhay dahil sa trabahong yun. Tsaka kung sakali man, kahit na magkahiwalay kami ng eskwelahang papasukan, atleast iisa lang ang kurso namin, may tsansa pa ring maging magkatrabaho kami in the future, e di wow pwede na kaming magkatuluyan! BWAHAHAHAHAA!!

Nag-entrance exam ako sa Technological University of the Philippines. Terey. Buti na nga lang pwede pa eh kahit April na. Tiniis ko yung matagal na biyahe, mahabang pila, mabagal na proseso, at matinding exam, para sa pangarap ko, para sa pangarap namin (wooo seryoso ako nito ha hahaha). Ayun salamat sa Diyos! Nakapasa ako! Yes!! Kaso.. kaso.. hindi ako tumuloy sa TUP. Naubusan na kasi ng slot para sa morning shift ng CE. So ang choice eh kung magpapalit ako ng kurso, o mag-night shift ako. Ang chaka na nung ibang Engineering course, di ko po bet, tapos sabi ni mudra delikado daw sa gabi dun sa may bandang Area, kaya magi nang mag-enroll ako dun. Wala nang ibang Engineering school na malapit, e di wala kailangan ko nang isuko ang pangarap ko โ€“ na biglaan lang din. Naisip ko, kung tumuloy ako ng CE, baka iba rin ang buhay ko ngayon!

Naghanap na lang kami ng mga college dyan sa tabi tabi, wala eh. Yung una naming pinuntahan eh NCST-IIRT. Maganda ang offer dito, mag-aaral ka for three months tapos isasabak ka na sa trabaho within one year. Kapag maganda ang performance mo eh pwede ka nang ma-regular! Tapos malaki pa ang sweldo (kasi parang TESDA something yung school na yun). E di sabi saโ€™kin ni mudra, mag-enroll na ako dun para daw hindi na kami mahirapan sa pera. Eh kaso ayoko, di ko feel yung mga gawain dun, mag-ayos-ayos ba naman ng mga wires ng mga sasakyan eh. Sayang naman ang lahat ng pinag-aralan ko at talino ko kung dun lang din ako babagsak, duhh #mapride! Ayoko, di ako tumuloy. Pero kung nandon ako ngayon, baka iba rin ang buhay ko ngayon! Hahahaha.

Then, may nakita akong bond paper na nakapaskil sa may bulletin board ng school. Ito yung listahan ng mga estudyante na makakatanggap ng discount sa tuition fee sa STI base sa nakuha nilang score sa entrance exam. Nacurious ako at sinabi ko kay mudra, โ€˜tara try nga natin dyan sa STIโ€™. Pagpunta namin dun, diretso exam agad ako. And yes! May 70% discount ako sa tuition fee! Amazing. Wahaha kaso parang ayoko dito sa STI, ang liit naman ng school, mas malaki pa nga yung sa Bucandala eh (umaasa talaga ako na pang-university ang level ko). Eh sabi ni mudra wag na daw akong mag-inarte, di naman kami mayaman! E di nagpa-enroll naโ€™ko, since pa-umpisa na rin ang school year nun. Tsaka nag-STI lang ako talaga dahil sa murang tuition fee wahahaha. Kuripot. Tsaka salamat talaga at napadaan ako sa may Bulletin Board na yun, naku kung hindi ko yun nakita, malamang iba rin ang buhay ko ngayon! Hahahaha! Di baka hindi ako sa STI, at hindi ko ABCOMM ngayon.๐Ÿ˜€

ASCT sana kukunin ko, two-year computer course. Para kung sakali mabilis akong makakapagtapos, tapos magtatrabaho ako saglit para makaipon ng maraming pera, tapos saka na ulit ako mag-aaral, at sisiguraduhin kong sa University na ako makakapasok, with a Bachelorโ€™s Degree. (akala ko noon ganun lang yun kadali ha). Dun ko na tutuparin ang pangarap ko. And since marami naman akong alam sa mga pasikotsikot ng computer, e di push na to! Nung nasa admin na ako, nakita ko yung flyer ng STI na may nakalagay na ABCOMM. โ€˜ABCOMM? ABCOMMโ€ฆ teka parang maganda to ah? Eto na lang kaya?โ€™ And bang! Change course real quick! Late ko nang inisip kung bakit yun yung in-enroll kong course. Wahaha. Pero kung itinuloy ko yung ASCT, baka iba rin ang buhay ko ngayon! Hahahaha paulit-ulit naโ€™ko ha. Feeling ko lang madali siya, since makeme naman ako sa pagsusulat eh. Again, hindi pa ako aware nun na malawak pala ang course na ito. Kasama pala yung Advertising, Broadcasting, Theater, Film, Journalism, at marami pang ka-ek-ekan. Nalaman ko lang nung mismong pumapasok na ako! At yun nga kasabay nung pagpasok ko ng college, nagbago din yung landas na tatahakin ko, na hindi ko inaasahang dito ako mapupunta. Iba na pangarap ko ngayon ha!

Hindi siya madali. Hindi siya mahirap. Sakto lang! May ibang subjects din na masakit sa ulo ha, kahit less Math na kami. Sayang nga eh di ko man lang magagamit sa college yung mga talents ko sa problem-solving ng Advanced Algebra at Trigonometry! Pero okay lang din. Ang puhunan mo lang sa course na ito ay dapat marami kang ideas at imaginations. Di ka pwedeng maubusan. You should be spontaneous, versatile, and flexible! O ha. At tulad ng sinabi ko kanina, dahil nga malawak ang ABCOMM, marami akong mga bagay na natutunan pa, di yung after exam kinakalimutan na ha? Marami akong bagay na na-discover sa sarili ko, maraming nagbago saโ€™kin, yung dating akala ko di ko kering gawin, palagi ko nang nagagawa ngayon. Who knows na yung isang Math Achiever noon eh ayun naging Technical Director na ng mga Production sa school! (Teka, ang layo ah) and yun nga, di ko rin na nagamit yung mga na-acquire kong katalinuhan nung elementarya at hayskul, sayang. May mga bagay sa ABCOMM na nagiging sobrang mangmang ako. Tapos nung bago ako nag-college, akala ko sa Journalism ang pupuntahan kong field pagka-graduate, hindi pala! Ayoko nang magsulat ng balita! Haha. Pero hanggang ngayon kamo di ko talaga alam kung saang field ako pupunta. Aasa na lang ulit ako kung saan ako dadalhin ng tadhana. Hahahaha

Ang lesson ng post na ito eh โ€“ ang buhay ay punung-puno ng hiwaga. Kung akala mo dun ka na papunta, di pala. Hahaha. Di man nangyari yung mga gusto mo, atleast napunta ka sa bagay na mas better para sayo:) #hugot! Di ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko, basta yun! Unexpected talaga ang mga nagaganap sa buhay-buhay. Yung pagpili ng kurso, it can change your whole life pala. And syempre naiisip ko pa rin yung mga โ€˜what ifsโ€™ na namention ko sa taas (yung paano kung itinuloy ko rito, bla bla bla) hirap magdecide sa buhay ah!

 

PS: Anong nangyari dun kay crush? โ€“ Ayun tumuloy yata siya ng Engineering. Pero balita ko isang sem lang siya dun. Nag-stop siya ng second sem tapos nag-shift ng two-year computer course nung sumunod na taon! Wahaha! Kasi naman eh ang lakas ng loob mag-CE, wala namang laban sa Math. Hmmm.

PPS: Hindi na kami nag-uusap nun nung inaasikaso ko na yung sa kolehiyo ko. So wala akong kinalaman sa buhay niya. At wala na rin akong gaanong alam sa buhay niya. Bahala siya sa buhay niya.

PPPS: Buti na lang talaga hindi ako tumuloy ng CE. Nakow kung hindi, mapapasubo talaga ako neto!

3 thoughts on “On choosing my course โ€“

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.