Para sa aking forever,

MAGFI-FEELING maganda muna ako ngayon. Pagbigyan nyo nako! Haha. Ganito kasi yan, inilista ko yung mga bagay na gusto kong sabihin sa aking future jowa, KUNG MAGKAKAROON PA AKO! HAHA!

– First of all, hindi ako maganda. Sorry (?) Hindi ako girlfriend material 😦 pero sana kahit ganun, treat me still like I’m beautiful. Haha!

– Boring akong kausap. Sana willing ka na maging kakwentuhan ako palagi, kahit ganito ako.

– Di ako sweet, clingy na tao. Di rin ako masipag magtext at magreply sayo, sana maintindihan mo. Okay lang sakin kahit isang beses sa isang araw mo lang ako itetext, loyal ka naman diba?

– Di rin ako sanay mag-celebrate ng weeksary, monthsary, at kung anu-ano pang sary. Pero sana umabot man lang ng anniversary! Tapos gusto ko engrande ang pagdiriwang non!

– Di ako mamae. Di ako yung mahilig sa kulay pink, sa girly stuffs, sa roses, sa teddy bears. Maninibago ka talaga sakin. Haha.

– Mahiyain akong tao. Sana tulungan mo ako na makalabas sa aking ‘comfort zone’.

– Ang priority ko ngayon sa buhay ay ang magkapera. Tulungan mo ko, not necessarily na bigyan mo ako ng pera, pero ang gusto kong mangyari ay ang sabay tayong magpayaman!

– Di ako gaanong ka-close sa pamilya ko. Pero sana ikaw ang maging dahilan para mailapit muli ang loob ko sa kanila. Gusto ko paaalalahanan mo ako palagi na, “Huwag ka magpapagabi ng uwi, para hindi ka na mapagalitan ni kuya mo.” πŸ™‚

– Alam mo naman ako, di ako tumatanggi. May pagka-submissive ako. Pero sana naman huwag mo akong abusuhin ha! Tsaka paaalalahanan mo din ako na, “Learn to say no without explaining anything.”

– Sanay na akong gawin ang mga bagay ng mag-isa, sanay na akong gumala ng mag-isa. Pero sana, wag mo akong hahayaan na mag-isa lang ako. Wag mong ipararamdam sakin na nag-iisa lang ako.

– Ulyanin ako. Sana di ka mapagod na ipaalala sakin ang mga bagay-bagay πŸ™‚

– Pag nagagalit ka sakin, huwag mo naman akong sigawan/bulyawan. Mabilis akong umiyak pag pinagsasalitaan ako eh.

– Sana huwag kang magselos kapag nag-fangirl mode ako kay Bruno Mars, sa One Direction, atbp. Okay lang sakin kung di mo sila bet, di kita pipilitin na gustuhin din sila. Pero sana dumating ang araw na pareho tayong nagra-rak en rol pag mga kanta ni Bruno ang pinatutugtog ko, tapos sasamahan mo akong manood ng concert ng 1D, kahit GA lang tayo β™‘

– Sana rin ay willing ka makinig sa mga ka-dramahan ko sa buhay, willing ka magbasa ng mga blogs ko, ganern.

– Minsan napa-paranoid ako. Nagiging pessimistic. Sana i-cheer up mo ako palagi. Haha.

– Huwag ka ding magagalit sakin kung bukambibig ko pa rin si JD, lam mo naman πŸ™‚ sorry din baka minsan eh maikumpara kita sa kanya.

– Sorry ulit, pero tamad ako, lalo na sa mga gawaing bahay. Wag ka magagalit. Pero kaya ko namang gawin kahit anong gawain eh. Pero nabibwisit ako pag pinipilit akong gawin yung isang bagay na ayoko talagang gawin ha.

– Wag mo akong bibilhan palagi ng pagkain. Inaantok ako pag nabubusog eh. Nagiging tamad tuloy ako.

– Minsan pala tamad ako maligo, haha! Mag-ayos ng sarili. Kaya sana tanggap mo ako kahit dugyutin ako hahahahahaha!

– Nangingialam ako ng buhay ng may buhay. So asahan mo nang pakikialaman ko rin yang buhay mo XD

– Hindi ako madaling magalit. Pero sana naman di ako mabeastmode sayo palagi no?

– Mabilis din ako magsawa. Sana ay di ka magsawa sa akin, at ganun din ako sa iyo

– Sana ay ikaw ang maging dahilan upang muli kong ma-appreciate ang OPM at ang sports. Haha

– Di ako mayaman. Di kita mabibilhan ng relo, sapatos, o kung ano mang regalo. Sorry. Ang kaya ko lang maibigay sayo ay ang suporta ko. Tsaka pala kasi, kuripot ako. Haha.

– Never kong naranasan na ituring akong prinsesa, kasi nga diba maaga akong nawalan ng magulang. Di ako napaglalaanan masyado ng atensyon ng mga taong nasa paligid ko, kaya sana lang, tratuhin mo ako bilang ‘ispesyal’, gawin mo akong reyna! Lol.

– Minsan kumakanta ako, sumasayaw pag walang magawa. Pero sana sabayan mo ako pag ginawa ko yon ah! Haha!

– Turuan mo ako ng mga bagay na di ko kayang gawin. Tulad ng pagsasalita ng Ingles ng diri-diretso. O kaya pagd-drawing.

– Tapos turuan mo rin ako magbisikleta, mag-swimming, mag-skating, maglaro ng sports, atbp. πŸ™‚

– Samahan mo rin ako sa Samar tsaka sa Cotabato, gusto ko kasama kita pagbisita ko sa mga kapatid at kamag-anak ko doon πŸ™‚

– At higit sa lahat, hindi man siguro tayo pareho ng relihiyon at paniniwala, pero sana ay maging sentro natin pareho ang Diyos πŸ™‚ yun lang πŸ™‚ πŸ™‚

Again, KUNG SAKALI LANG NA MAGKA-JOWA PA AKO, sana mabasa niya ito. Sorry kung may ganito akong ka-keme-han πŸ˜€ oy pero sa mga oras na ito, di ako desperada ha! Wala akong ibang intensyon para sa post na ito!

Also read: Questions for my future love | Ezzycupcake I was inspired to write this thing after I read her post.

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s