Ang gusto ko lang naman ay dumating ang araw na maging masaya at kuntento nako (kasi kahapon sabi ko never pa yata akong nakuntento). Yung hindi na mamomroblema yung pamilya ko kung may kakainin ba kami bukas, kung may pamasahe ba kami papuntang school, kung makakabayad ba kamkng kuryente, tubig, internet at cable, kung makakabili ba ako ng damit or bag or sapatos every sweldo day, ganun. Masaya nako pag wala nakong inaalala regarding financial. At syempre, bukod sa pera, sana ay dumating din ang panahon na may magmamahal sa akin ng totoo π oo! Yung tanggap niya yung katamaran ko, yung kapangitan ko, yung weird kong attitude, yung pagiging boring kong kausap, at marami pang iba! Sana may ganung taong nag eexist ngayon sa earth nu. Feeling ko kasi wala. Wala. Feeling ko tatanda ako ng mag isa. Pero sana, kung sino man yun, sana lang wag mo ako masyadong ipressure or istress. Haha! Sana din matanggap ko agad yung mga flaws mo π para maging maligaya na ang future ko π
Pero tulad ng sinabi ko noon. Sa future, okay lang naman sakin kahit saan ako dalhin ng tadhana. Basta masaya ako. Na kasama ikaw β‘β‘ ayeeeee