NAHIHIWAGAAN lang ako sa classmate ko. Ninja-like siya. Kasi ang bilis niyang magchat. Pero hindi yung mabilis magtype ha.
Kasi mga 30 seconds pa lang mula pagka-log in ko sa facebook, may message na agad siya sakin. Palagi. Halos araw araw.
Di ko alam kung paano niya nalalaman na online nako ng ganun kabilis? Palagi ka bang nakatingin lang kung sino naka online? Wala ka bang ibang ginagawa? Iniistalk mo ba ako? Haha!
Yung feeling na, parang may nakabantay na sniper sa labas ng bahay nyo, ganun yung nararamadaman ko pag chinachat niya ako agad. Nakakaloka.
Dahil dyan sa bilis mo kung mag message sa akin, obligado rin akong magreply sayo agad agad. Alam mo namang inuuna kong tumingin ng notifs tapos newsfeed at huli na yung messages. Ang hirap kaya ng pinagdadaanan ko! Haha
Kaya madalas talaga 1 hour after saka ko lang siya rereplyan eh. Minsan nagdadahilan na lang ako na ma-log yung messenger ko, kahit facebook lite yung gamit ko. HAHAHA!
Kaso sinisiguro mong makakasagot ako. Dalawang fb account ko pa ang chinachat mo. Minsan dina-direct message mo pa ako. Huhu.
Araw araw naman tayong nagkikita, buti hindi ka nagsasawang kausapin ako? Haha naba-bother nako.
Tsaka pag nag oonline ako, hindi lang naman puro chat ang aatupagin ko nu. Naglalaro ako ng games, nagttwitter ako, Nagbabasa ng blog. Minsan na nga lang ako magfacebook eh. Offline chat nako lahat lahat. Tapos nasstress pa rin ako ng ganito? π¦
Wait lang, bakit ako pa???
– buti sana kung si __________ yun eh. Eh di inspired ako neto lagi araw araw. Kaso hindi eh, ikaw eh π¦
Dami ko pang rant. Pero di bale na, kaya ko pa naman tiisin yung iba eh π HAHAHAHA
Classmate, pacheeseburger ka naman! Lol.
:]
ha ha ha….ang hirap nga ng pinagdadaanan mo ineng
LikeLike
Naku po πππ
LikeLike
In lab lang yun sayo.
LikeLiked by 1 person