If we ever meet again.

LATE Night Thoughts. Naisip ko lang, paano kaya kung isang araw magkita ulit kami? Yung halimbawa, nasa escalator kami sa Robinson’s Imus. Paakyat pa lang siya tapos ako pababa na. O kaya nagkasabay kami sa jeepney papuntang bayan. O kaya naman magkaroon ng reunion ang batch namin. Alam kong di siya interested sa mga ganung gathering, pero malay natin diba. Ano kayang gagawin ko. Ano kayang magiging reaksyon ko? Pero wait. Makikilala niya pa kaya ako? I mean matatandaan niya pa kaya na nag-exist din ako sa buhay niya at apat na taon kaming nagkasama? Lol.

Eto yung mga posibilidad na gawin ko pag nangyari yun:

1. Yayakapin ko siya. O kaya beso-beso. O kaya kiss na diretso. Joke lang. Sabihin ko kumusta? Long time no talk. Namiss kita, friend! Kaso baka sabihin niya FC ako masyado. Haha. Pabebe mode.

2. Pag nilapitan niya ko, irereject ko siya ng bonggang-bongga. Like, hu u? Do i know u? Or wait, your face looks familiar to me, have we met before? Lol. Hinde, sabihin ko lang na di ko na natatandaan yung pagmumukha niya. Eto naman yung version 2.0 mode.

3. Casual lang. Hello. Ui ikaw pala yan? Kumusta? Okay lang, ikaw? Okay lang din, sige mauuna nako. Bye! Mga 10-second talk tapos tapos na ang usapan. 😦 Instant closure mode.

4. Pagkalapit ko sa kanya, sampalin ko siya ng mahina. Tapos mag-aala Juan Miguel Severo ako. Spoken Word Poetry. Sabihin ko sa kanya na, “ano? Nagpakita ka pa! Pagkatapos nung mga ginawa mo sakin noon! Paasa! Letse!” Hysterical mode.

5. Di papansinin. Kunwari di kilala. Kunwari wala akong nakita. Tapos pag tinawag niya ko, sabihin ko malabo na mata ko, kaya di ko nakita siya, tapos proceed to plan number 3. 😦 Denial mode.

6. Wala lang. Keme lang to. Pag nagkita kami una kong sasabihin na: Single ka pa? Pwede mo na ba akong mahalin ngayon? Hahahaha A Second Chance mode.

7. May pupuntahan ka ba? Tara sama ka sakin. Padis tayo. Magpapakalasing tayo hahaha πŸ˜€ Again. FC nanaman ako neto. Tapos pag tumanggi siya masasaktan nanaman ako.

8. Eto seryoso. Sasabihin ko sa kanya na sana isang araw ay makapagkuwentuhan kami. Kahit sa foodcourt ng SM lang kami tumambay, okay nako dun. Ikukuwento ko yung buhay ko, ipapakuwento ko naman sa kanya yung buhay niya. Ganun. Sana pumayag siya.

Dadagdagan ko pa to ng dalawa, kaso wala pa akong naisip ngayon eh. Bukas nalang :p

Pero kahit na gustung-gusto ko nang makita ang lokong yun, naisip ko na sana di muna kami magkita ngayon. Wag muna, di pa ako ready! Haha. Gusto ko pag nagkita kami dyosa ang hitsura ko nun. Lol. Ngayon kasi haggardo versoza talaga ang mode ko. Ayokong makita niya ako ng ganito. Haha. Tsaka gusto ko pag nagkita na kami may maipagmamalaki nako sa kanya. Kaya sana pag may trabaho nako kami magkita. Ngayon wala akong pera, atleast pag may pera nako pwede pa kitang ilibre ng alak (haha alak talaga?)

Pero ewan ko. Medyo kinakabahan ako rito ah. Di ko alam kung bakit. Parang feeling ko mag-aaplay lang ako ng trabaho. Kailangan disente ako. Kailangan prepared nako. Para matanggap ako. Matanggap na maging bahagi ulit ng buhay niya. Yeaaaaa πŸ˜€ πŸ˜€

I’ll never be the same. If we ever meet again.

Advertisements

One Reply to “If we ever meet again.”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s