Kaartehan | Kalandian

NAG-INARTE ako ng bonggang-bongga kanina. Kasi ba naman, ang sama sama sama ng loob ko sa kanya. Yung tipong dapat ako yung magalit sa kanya kasi late na siyang dumating, ako na itong pinaghintay ng halos isang oras oh, tapos ngayon siya pa itong beastmode. aba di niya ako pinansin. Inisnab talaga ako. Nag-inarte siya, kainis. mangiyak-iyak nako. *dinamdam ko talaga yung pangde-dedma niya* Eh di wag!!!

Di na ako tumuloy sa pupuntahan namin. Hinayaan ko na siya XD

Napagpasyahan kong maglakad-lakad muna, (you know me, ako yung tipong di pa umuuwi ng bahay hangga’t may araw pa, haha) hinanap ko muna yung sarili ko, lol. Dinaramdam ko pa rin yun. Sanay naman na akong ganun siya, pero kasi kanina naiinis nako eh, pinahiya niya ko. Nako friend, wag ako!

Bahala ka sa buhay mo. Haha. Nagsa-soundtrip lang ako habang naglalakad, tapos yung mga pinatutugtog ko pa nun yung mga kantang mapapa-emote ka talaga. Eh di instant music video ang mode ko nun! Haha

Pero nung kinahapunan ok na ulit kami. Kasi ganito: habang nag-eemote ako dyan sa tabi-tabi, nakasalubong ko siya. Oo, siya nga. He gave me his sweetest smile. E di ok na kami. HAHAHAHA

Di pa rin namin pinag-uusapan yung tungkol sa mga pag-iinarte namin kanina, haha. Pero pag yun talaga ulitin nanaman niya yung ginawa niyang yun, nako nako. Wala lang XD darating at darating pa rin yung araw na mabi-beastmode nanaman ako sa pag-iinarte niya. Pero anyways, pag pinapahiya pa naman ako umiiyak talaga ako. Hahahaha.

Hi bes 🙂 sorry ha, pero kasi hindi sa lahat ng oras mami-meet ko yang mga demands mo. Nakakapagod na kaya minsan yun, yung ako na lang lagi ang mag-aadjust. Naiintindihan naman kita, na busy busyhan ka talaga sa buhay, kaya nga tinutulungan kita diba? Tapos ginaganito mo ko. Lol.

Okay that’s enough. Share ko lang XD baka bukas burahin ko na rin to. Nakakahiya nanaman pag nabasa pa to ng mga nakakakilala sakin. Okay. Okay. Okay. Haha.

2.8: naulit nanaman yung kaartehan niya. Oo kasalanan ko naman ngayon, sorry ha! Tanga tanga ko kasi eh. Pero sana di ba intindihin mo na lang ako? Hindi yung mag-inarte ka rin! Natapos ang araw di ka pa rin namamansin. Sabi ko okay lang, di ka kawalan, peste. Pero nung madaling-araw na nagising ako, di matanggal sa isip ko yun friend! Binagabag ako ng bonggang-bongga! Naisip ko, paano pag di na kami magkabati? Matulad kami dun sa ibang magkaibigan na na-friendship over kasi nagkapatong-patong ang mga rants sa isa’t-isa? Paano ako makakakilos ng maayos niyan? Di ko kaya! Di ko kayang mawala ka sa buhay ko! Lol. Kaya ayun mangiyak-iyak nako. Sabi ko bati na tayo, pls. Pero di ko sinabi sa kanya yun ah. Basta nung kinabukasan ok na ulit kami. Wala lang ulit nangyari, basta yun na, pinansin niya na ako. Pero again, di na namin ino-open sa isa’t isa yung mga kaartehan namin nung nakaraan. Haha.

Pero ewan ko, minsan ayoko na sa kanya, pero di ko siya magawang iwasan eh! Sabi ko sa susunod na magwawarlahan kami, dapat di nako mapaparanoid, hayaan ko lang siya sa buhay niya haha. Lol pero sana di ba di nako mainis sa kanya?

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s