I just want to share to all of you the things I learned from the movie, ‘3 Idiots’ π
“Cramming may get you past 4 years in college but it will screw your next 40 years.”
Ang pansamantalang kaginhawaan ay may kapalit na matinding pagdurusa.
“That day we learned, when your friend flunks, you feel bad, when he tops, you feel worse.” -Farhan.
Saklap nu. Feeling mo napag-iiwanan ka ng kaibigan mo.”
“Pursue excellence, and success will follow, pants down.” -Rancho.
Nandyan na yung thought π pants down!
“Does that solve the problem?” -Raju.
“No, but you gain courage to face it.” -Rancho.
In every problem, there’s a lesson included in it.
“Grades create divide. A=Masters, C=Slaves.”
Elementarya pa lang ay lumilikha na ng hierarchy ang grades. Pag matalino ka, irerespeto ka, pag hindi naman, babalewalain ka lang. Sad reality again.
“A machine is anything that reduces human effort and reduces time.” -Rancho.
Machines are made to help humans. Kaso yung iba sa sobrang katamaran parang idinepende na lang sa machine lahat. Tsss.
“Life begins with murder. If you don’t compete, you will die.”
“Life is a race. If you don’t run fast, you’ll get trampled.” -Viru Sahastrabudhhe.
Self-explanatory din. Na-aapply sa buhay sa kolehiyo. Sad reality para sa mga mahihina’t napapag-iwanan.
“These engineers are very smart sir, they didn’t invent a machine which can measure the pressure on the brain. If they had, we would have come to know that this was not a suicide but a Murder.” -Rancho.
Murder kasi may taong nagp-pressure sa kanya, na nagtulak sa kanya para gawin yun. Ang magpakamatay. Sad reality na yung iba ay iniisip nila na ito lang ang tanging solusyon.
“Learning is not memorizing the exact words from the book. Learning is understanding it and being able to explain it in your own words.” -Rancho.
Tama! Kaya marami sa atin na kahit nakatapos na ay nananatili pa ring mangmang, kasi yung mga itinuturo sa atin hindi naman natin natututunan, kakabisaduhin lang para may maisagot sa exam, pagkatapos nun wala na! Nakalimutan na! Gawain ng mga estudyante. Sad reality rin siya.
“Today my respect for that idiot shot up. Most of us went to college just for a degree. No degree meant no plum job, no pretty wife, no credit card, no social status. But none of this mattered to him, he was in college for the joy of learning, he never cared if he was first or last.” -Farhan.
Eto yung pinaka-major plot twist ng kwento, na as in di ko talaga inakala. Major realization din.
“Instruments that record analyze summarize organize debate and explain information which are illustrative non-illustrative hardbound paperback jacketed non-jacketed with forward introduction, table of contents, index that are intended for the enlightenment, understanding enrichment enhancement and education of the human brain through sensory root of vision… Sometimes touch.” -Rancho.
Tawa ako ng tawa dito. Libro lang pala yung tinutukoy niya hahaha.
“Follow your dream. Don’t study something that you know you’re bad at and follow your passion.”
“Make your passion your profession, and work will become a game.” -Rancho.
Marami sa mga high school students ang kumukuha ng kursong Engineering sa pag-aakalang yun ang makakapag-angat ng pamumuhay nila. Pero di biro ang kursong yun friend! Si Farhan, na wildlife photography ang passion, ay napilitang pumasok sa magulong mundong ito. Tutol na tutol ang kanyang ama, kasi nga di ba wala naman silang mapapala sa isang photographer na anak. Pero sa panahon natin, pag passion mo ang sinunod mo, di ka talaga aasenso sa buhay. Sad reality. Magtrabaho tayo na parang naglalaro lang, na ini-enjoy mo lang, Walang pressure!
(image source)
“That day I understood that this heart scares easily. You have to trick it, however big the problem is. Tell your heart, ‘Pal, all is well. All is well.'”
If you feel everything is wrong, just say the magic word. Being optimistic to tell that everything will be okay gives you a relief.
(image source)
“This is college not a pressure cooker.” -Rancho.
Isang malaking realization ito na hindi tayo pinag-aral para ma-stress sa mga projects, exam, atbp. Kaya tayo nasa eskwelahan para matuto at i-enjoy ang pag-aaral. Sad reality? Maraming kabataan ang isinusumpa ang pag-aaral.
(image source)
“Sir, I have learnt to stand up on my feet after having broken both my legs. This attitude has come with great difficulty. No sir, I can’t. You may keep your job, and let me keep my attitude.” -Raju.
Si Raju ay isang tao na walang tiwala sa kanyang sariling abilidad, at panay ang asa sa mga lucky rings. Pero sa panahon na nasabi niya ito ay nakita ko ang kanyang katapangan, at paninindigan. Para matanggap sa trabaho ay kailangan maging well-presented ka, pero ipinakita niya ang totoong siya, at di kailangang magpanggap para lamang makuha niya yung trabahong yun. Sad reality sa part na mataas masyado ang expectation at requirememts ng mga kompanya sa mga aplikante. Marami pa rin tuloy ang walang trabaho.