#Mema post numbah two

SAW these questions on my feed. I try to give them a shot.

1. Paano pag bumalik yung lalaki o babaeng nanakit sayo anong gagawin mo?

– Sasaktan ko rin para quits. Jk. Ipapamukha ko sa kanya na maling-mali yung ginawa niya sakin noon. Gusto ko yung makokonsensya siya ng matindi.

2. Kung may hihilingin kang bumalik na pangyayari sa buhay mo ano yon? At bakit?

– Pagkabata. Sana di ako naging mapusok. E di sana iba ang buhay na tinatahak ko ngayon.

3. Sino pipiliin mo yung na una o yung pangalawa ?

– Yung pangalawa. Kasi naniniwala ako na walang magiging pangalawa kung the best ang una.

4. Kung papapiliin ka? Si PRESENT or si PAST?

– Kung sino sa kanila yung magiging future ko. Charot.

5. Anong type mong boy/girl? Why?

– Dati ang dami kong standards noon, pero pag na-inlove ka pala mawawala lahat ng standards na yan.

6. Kung may taong gusto mong makausap ngayon anong sasabihin mo sakanya ?

– Sorry.

7. Kaya mo bang mapatawad ang taong nanakit sayo at bakit?

– Oo. Kasi hindi naman habambuhay mong mararamdaman yan. Darating din yung panahon na mawawala na lang bigla lahat ng sakit na dulot ng ginawa niya sayo noon.

8. Kung bibigyan ka ni God ng isang oras para makasama yung taong mahal mo anong gagawin mo na kasama siya?

– Tatanungin ko siya nung mga bagay na hindi ko naiintindihan. Gusto ko sabihin niya mismo sakin kung bakit wala na. Tapos sa loob ng oras na yun, di ko aalisin yung tingin ko sa kanya. Tapos hawak ko lang kamay niya. Haha.

9. Mahal mo ba siya or mahal mo pa siya?

– both.

10. Naging totoo ka ba sa minahal mo?

– oo. Pero hindi sa lahat ng oras. Kasi pag nililinlang na ako, nililinlang ko rin siya pabalik. Ayoko ng naiisahan.

11. Nagsisisi ka ba na minahal mo siya?

– oo. Andaya eh bakit ako lang nahihirapan. Dapat ziya rin XD

12. Gaano kasakit nung nawala sya sayo?

– masakit. Pero kinikeri naman.

13. Kung bumalik pa sya sa buhay mo? Tatanggapin mo ba ? Bakit?

– ako gusto ko. Pero sabi ng tadhana wag na daw.

14. Kaya mo pa bang makahanap ng iba pagkatapos niya or siya na yung last mo?

– gusto ko siya na. Pero hindi naman habambuhay aasa ako sa kanya diba?

15. Nasasaktan ka ba pag nakikita mo siyang masaya sa piling ng iba?

– oo naman. Bakit sakin ayaw mo maging masaya? :/

16. Minsan ba naiisip mo na makipagbreak nalang sakanya kahit na alam mong mahal na mahal ka
niya?

– hindi. Kung ano man yung pinagdadaanan namin ngayon. Pagsubok lang yan. Malalampasan din namin yan.

17. Sinong pipiliin mo? Mahal mo or mahal ka?

– mahal ako. Para maiba naman. Palagi na lang ako yung kawawa eh.

:]

Advertisements

2 Replies to “#Mema post numbah two”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s